• The fear of the LORD is the beginning of wisdom: and the knowledge of the holy is understanding.

    Proverbs 9:10 KJV
ang galing ni God jesus sanctification holy place

Si Jesus bilang High Priest at Mediator sa Holy Place ng heavenly sanctuary

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

Sa article na ito ay patuloy nating sinusundan ang ministerio ng ating Panginoong Jesus na hango sa typology ng sanctuary.

Dahil sa namuhay ang ating Panginoong Jesus bilang tao na walang kasalanan (Encampment) ay valid at nararapat ang Kanyang kamatayan (Altar of Sacrifice) sa krus bilang pantubos sa atin. Inilibing Siya at nabuhay na magmuli (Laver). Dahil dito ay maaari na Niyang gampanan ang susunod na tungkulin bilang Dakilang Saserodote sa sanctuary sa langit.

Now this is the main point of the things we are saying: We have such a High Priest, who is seated at the right hand of the throne of the Majesty in the heavens, a Minister of the sanctuary and of the true tabernacle which the Lord erected…”

Hebrews 8:1-2 NKJV

Saan sa langit unang pumunta si Jesus?

Taong 31 A.D. sampung araw matapos umakyat si Jesus sa langit ay binanggit ni Peter kung saan naroon si Jesus, iniluklok sa kanan ng Dios sa langit (Acts 2:33).

Makalipas naman ang tatlong taon, 34 A.D. at bago tuluyang mamatay, ay nakita rin ni Stephen ang Anak ng tao, si Jesus, na nasa kanan ng Dios (Acts 7:55-56). Ngunit sa mga talatang ito ay hindi nabanggit kung saang bahagi ng langit naroon ang tronong ito Dios.

Sinagot ito ni John sa kanyang vision noong 95 A.D. na mababasa natin sa Revelation chapters 4-5.

At nakita ko sa kanang kamay ng nakaupo sa trono ang isang balumbon na may sulat sa harap at likod at sarado ng pitong tatak.

Revelation 5

Alam natin na ang nakaupo sa tronong ito ay walang iba kundi ang Dios. Maya-maya pa ay dumating si Jesus.

At nakita ko sa gitna ng trono… ang isang Korderong nakatayo… Lumapit ang Kordero at kinuha ang balumbon sa kanang kamay ng nakaupo sa trono.”

Sa pagkakataong ito ay nakita natin ang Dios at si Jesus. Saang bahagi ito sa langit? Narito ang isang clue para satin upang malaman natin kung saang bahagi ng langit naroon ang Dios at si Jesus nang makita ni Juan, ni Peter, at ni Stephen.

At nang makuha niya ang balumbon, nagpatirapa sa harap ng Kordero ang apat na buháy na nilalang at ang dalawampu’t apat na matatanda. Ang bawat isa ay may hawak na alpa at mga gintong mangkok na puno ng insenso, na ang mga ito’y mga panalangin ng mga banal.

Sa Revelation chapter 4 ay may isa pang clue na ibinigay sa atin. Ang Revelation 4 at 5 bagaman dalawang chapters ngunit isang throne room lamang ang tinutukoy.

At sa harapan ng trono ay may pitong nag-aapoy na sulo.

Revelation 4:5

Ang Lampstand na may pitong apoy at ang Altar of Incense ay pawang makikita sa Holy Place ng sanctuary, dahil dito ay nakatitiyak tayo na sa Holy Place ng heavenly sanctuary pumunta ang Panginoong Jesus upang gampanan ang Kanyang susunod na ministeryo para sa kaligtasan ng mga taong nagnanais nito.

Panimula ng ministeryo ni Jesus sa Holy Place ng heavenly sanctuary

Sa Revelation 4-5 ay nakita natin si Jesus na handa at qualified na buksan ang aklat na nakaselyo. Ang aklat na nakaselyo ay naglalaman ng nakaraan at hinaharap ng mga tao sa mundo. Nang dahil kay Jesus ay nagkaroon ng future at pag-asa ang mga taong nagkasala.

Ang pagkuha ni Jesus ng aklat na nakaselyo ay nagpapahiwatig ng pasimula ng Kanyang ministeryo sa sanctuary sa langit. Dahil sa Kanyang pamumuhay na walang kasalanan, pagkamatay, at pagkabuhay na magmuli ay nagkaroon ng pagkakataon ang sangkatauhan ng pag-asa sa buhay na walang hanggan na walang kasalanan.

Anong ministry ang ginagawa ni Jesus sa Holy Place?

Nagawa na ng ating Panginoong Jesus ang hinihingi ng kautusan sa mga manlalabag. May pambayad na tayo sa ating pagkakasala, ngunit kailangan itong tanggapin ng personal.

Sapagkat ganoon inibig ng Diyos ang sanlibutan, kaya ipinagkaloob niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

John 3:16 FSV

Ganito rin ang sinambit ni Peter sa mga nakinig at naantig sa kanyang sermon sa panahon ng Day of Pentecost.

“Talikuran ninyo ang inyong kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang patawarin kayo, at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Banal na Espiritu. Sapagkat para sa inyo ang pangako, at para sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo, at sa lahat ng tatawagin ng ating Panginoong Diyos tungo sa kanya.”

Acts 2:37

Pagpapatawad sa mga kasalanang nagawa ang ministeryong ginagawa ni Jesus sa Holy Place mula nang Siya ay umakyat sa langit at maging High Priest natin.

Si Jesus bilang Mediator natin sa Dios

Iisa ang Diyos at iisa ang Tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.

1 Timothy 2:15

Kaya nga, dahil mayroon tayong isang Dakilang Kataas-taasang Pari na pumasok na sa kalangitan, at iyon ay si Jesus na Anak ng Diyos, matatag nating panghawakan ang ating ipinahahayag. 

Sapagkat mayroon tayong Kataas-taasang Pari na marunong makiramay sa ating mga kahinaan. Tulad natin ay tinukso rin siya sa lahat ng mga paraan, gayunma’y hindi siya nagkasala. 

Kaya’t lumapit tayo na may lakas ng loob sa trono ng biyaya, upang tumanggap tayo ng awa, at makatagpo ng biyaya na makatutulong sa panahon ng ating pangangailangan.

Hebrew 4:14-16

Ang awa na binabanggit dito ay walang iba kundi ang biyaya ng kaligtasan na libre para sa lahat ngunit kailangang tanggapin ng personal.

Si Jesus bilang High Priest sa Holy Place

Mas mauunawaan pa natin ang ministry ni Jesus sa Holy Place kung pag-aaralan natin ang daily services na ginagawa noon sa holy place ng earthly sanctuary.

Araw-araw ay kailangang tiyakin ng pari na may sapat na langis sa Lampstand upang nagpapatuloy ang pagbibigay ng liwanag ng Lampstand sa sanctuary. Nagrerepresent ito sa patuloy na pagbibigay ng Dios ng Holy Spirit sa iglesia upang ang iglesia ay nagpapatuloy sa pagbibigay ng liwanag sa mundo.

Tinitiyak rin dapat ng pari na ang Insenso ay nagpapatuloy araw-araw sa pagbibigay nito ng mabangong amoy sa loob ng sanctuary. Nagre-represent naman ito ng mga panalangin ng mga banal na binabalutan ni Jesus ng Kanyang righteousness upang maging katanggap-tangap sa Dios.

Kailangan rin na laging may tinapay sa Table of Shewbread at sinisigurong laging bago ito tuwing Sabbath. Nire-representahan naman nito ang pagkakaroon ng sapat na pagkaing spiritual para sa bayan ng Dios.

“I will prepare a place for you”

Isa sa mga pangako ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod ay ang mababasa sa John 14:1-3.

Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan. Kung hindi ito totoo, bakit ko pa sasabihin sa inyo na aalis ako upang ipaghanda kayo ng lugar? At kung aalis ako at ipaghahanda kayo ng lugar para sa inyo, babalik ako at isasama ko kayo sa aking sarili, upang kung nasaan ako, naroon din kayo. 

John 14:1-3 FSV

Ano ang ibig sabihin ng “ipaghahanda ko kayo ng lugar”? Ibig bang sabihin nito ay nagtatayo si Jesus ng mga bahay sa langit ng mga maliligtas? Hindi po.

Ang pagtatayo ng tahanan ay nakahanda na, tapos na. Besides, kayang-kaya itong gawin ni Jesus sa pamamagitan lamang ng Kanyang salita.

Ang ayaw gawin ni Jesus ay ang automatic na pagbabago ng ating character para maging angkop sa langit at bagong lupa. Hindi Niya ito gagawing sapilitan. Ang taong nagnanais na maging Tagapagligtas si Jesus ay papayag na pumailalim sa character development program o sanctification process upang maging angkop siya sa kaharian ng Dios.

Tatlong activities sa sanctification

Ang pag-aaral ng Salita ng Dios ay isa sa mga gawain sa sanctification process. Kasama dito ang pananalangin na siya namang pinatutungkulan ng Altar of Incense. Lastly, ang experiences sa Bible Study at Prayers ay dapat ibinabahagi naman sa iba. Ito ang pinatutungkulan ng Lampstand bilang nagbibigay liwanag sa madilim na mundo ng kasalanan.

Ang tatlong activities na ito ang siyang dapat ginagawa ng mga taong nagpahayag na Tagapaglitas nila si Jesus. Ang tatlong activities na ito ay nirerepresentahan ng tatlong furniture na makikita sa Holy Place.

Sa Revelation 1-3 ay makikitang naglalakad si Jesus sa gitna ng Lampstand, na ang ibig sabihin ay nariyan lamang si Jesus upang patnubayan ang Kanyang iglesia at patuloy na turuan ang Kanyang mga tagasunod sa ilalim ng character development program o sanctification.

Sa sunod na ministry ni Jesus sa heavenly sanctuary ay makikita natin na ang sanctification ay pre-requisite upang makita kung sincere tayo sa ating paghingi ng tawad at pagtanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas.

Summary

Patuloy lang nating sinusubaybayan si Jesus sa Kanyang ministry para sa atin. Una ay namuhay Siya bilang matuwid (Encampment), at dahil diyan ay nararapat Siyang maging Tupang Handog at Dakilang Saserdote.

Namatay Siya sa krus bilang Tupang Handog na siya namang itinuturo sa atin ng Altar of Sacrifice. Inilibing Siya ngunit nabuhay na magmuli na siyang kinakatawanan ng Laver. Ang Altar of Sacrifice at Laver ay pawang nasa Outer Court ng sanctuary.

Sa article na ito ay nakita natin na umakyat si Jesus langit at pumasok sa Holy Place upang gampanan ang pagiging High Priest para sa ating sanctification process, at pagiging Mediator. Pagpapatawad sa ating mga kasalanan, paghahanda ng ating character para tayo ay maging karapat-dapat sa harap ng Dios ang mga ministry ni Jesus sa Holy Place ng heavenly sanctuary.

Saan natin makikita si Jesus sa sunod Niyang gampanin para sa ating kaligtasan? Ano ang itinuturo ng sanctuary tungkol dito?

Visited 754 times, 1 visit(s) today
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *