• Ako, ako nga ang siyang pumapawi ng iyong mga pagsuway alang-alang sa akin, at hindi ko aalalahanin ang iyong mga kasalanan.

    Isaiah 43:25
ang galing ni God pagkain ng daga paniki

Paniki, daga, aso, baboy, kuhol, shrimp, atbp. kapag kinain sakit sa nakakarami ang dulot

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

Nuts, prutas, gulay

Dahil sa ang Dios ang lumalang sa atin ay alam Niya kung ano ang nararapat para sa ating katawan. Hindi na natin kailangan pang manghula kung ano ang dapat na pagkain, ang Dios na mismo ang nagtakda. Ang atin lamang gagawin ay sumunod.

Ito ay mababasa sa Genesis 1:29-30:

Sinabi ng Diyos, “Tingnan ninyo, ibinigay ko sa inyo ang bawat halaman na nagkakabinhi na nasa ibabaw ng lupa, at ang bawat punungkahoy na may binhi sa loob ng bunga; ang mga ito ay magiging pagkain ninyo.”

Sa bawat mailap na hayop sa lupa, at sa bawat ibon sa himpapawid, at sa bawat gumagapang sa ibabaw ng lupa, sa bawat bagay na may hininga ng buhay ay ibinigay ko ang lahat ng halamang luntian bilang pagkain.”

Ngunit dahil sa pagkakasala at tigas na rin ng ulo ng mga tao ay pinahintulutan na rin na ang tao ay kumain ng hayop, isda, at mga ibon; ngunit hindi lahat ay pinapakain.

Dios ang nagtakda kung alin ang malinis at alin ang marumi bilang pagkain. Ang characteristics ng mga maaaring kainin at hindi maaring kainin ay mababasa sa Leviticus 11. Bilang summary, lahat ng tinuturing na tagalinis sa kapaligiran tulad ng baboy, shrimp, talangka, buwitre, agila, daga, pating, at iba pa ay hindi itinuturing na pagkain.

Mayroon silang purpose para sa eco-system ng mundo. Hindi sila ginawa upang kainin. Narito ang ilan pang mga talata:

Kuneho, baboy, aso, daga, ahas

“at ang kuneho, bagaman ngumunguya, subalit walang hati ang paa, ito ay marumi para sa inyo, at ang liebre, at ang baboy,” Leviticus 11:3-7

“Huwag ninyong kakainin ang kanilang laman at huwag ninyong hihipuin ang kanilang mga bangkay; ang mga iyon ay marumi para sa inyo. ” Leviticus 11:8

“At ang mga ito’y marumi para sa inyo sa mga umuusad sa ibabaw ng lupa: ang bubuwit, ang daga, at ang bayawak ayon sa kanyang uri,

ang tuko, buwaya, butiki, bubuli, at ang hunyango. Ang mga ito’y marumi sa inyo mula sa lahat ng umuusad;” Leviticus 11:29-31

“Silang nagpapakabanal, at nagpapakalinis upang pumaroon sa mga halamanan, na sumusunod sa nasa gitna, na kumakain ng laman ng baboy, ng kasuklamsuklam, at ng daga; sila’y sama-samang darating sa isang wakas, sabi ng Panginoon.” Isaiah 66:17

“Anumang lumalakad sa pamamagitan ng kanyang tiyan, at lahat ng lumalakad sa pamamagitan ng apat na paa, at anumang mayroong maraming paa, maging sa lahat ng bagay na umuusad sa ibabaw ng lupa, ay huwag ninyong kakainin; sapagkat ang mga ito ay marumi.” Leviticus 11:42

Kabilang ang ahas at uod sa mga hayop na lumalakad gamit ang tiyan. Kasama naman sa hindi pinapakain ang mga buwaya o butiki dahil maliban sa paggamit ng tiyan bilang panggalaw ay kasama rin nilang ginagamit ang kanilang mga paa.

Pating, shrimp, talangka

“Sa lahat ng mga nasa tubig ay maaari ninyong kainin ang mga ito: alinmang may mga palikpik at mga kaliskis na nasa tubig, nasa dagat, at sa mga nasa ilog, ay makakain ninyo.”

“Subalit alinmang walang mga palikpik at mga kaliskis sa mga nasa dagat, nasa ilog, at sa alinmang mga gumagalaw sa mga nasa tubig, at sa lahat ng may buhay sa tubig, ay marumi para sa inyo.” Leviticus 11:9-12

Ang pating, shrimp, talangka, hito ay ilan lamang sa mga hayop sa katubigan na either walang palikpik o kaliskis kaya hindi itinuturing ng Dios na pagkain para sa mga tao.

Paniki, uwak, lawin

“…hindi ninyo dapat kakainin; ang mga ito’y marumi: “

“ang agila, buwitre, at buwitreng itim; ang lawin, limbas, ayon sa kanyang uri; bawat uwak ayon sa kanyang uri; ang avestruz, panggabing lawin, at ang lawing dagat, ayon sa kanyang uri; ang maliit na kuwago, somormuho, at ang malaking kuwago; ang puting kuwago, pelikano, at ang buwitre; ang lahat ng uri ng tagak, ang kabág, at ang paniki.

“Lahat ng kulisap na may pakpak na lumalakad sa apat na paa ay marumi para sa inyo.”

Pagkain at kabanalan

Dios mismo ang nagbigay ng connection ng pagkain at pagiging banal.

Sapagkat ako ang Panginoon ninyong Diyos, kaya’t pakabanalin ninyo ang inyong mga sarili, at kayo’y maging banal, sapagkat ako ay banal.

Leviticus 11:44

Kaya nga’t kung tinuturing nating tayo ay kabilang sa Kanyang mga tagasunod ay nararapat na maging sa pagkain ay dapat masunurin din tayo. Ito ay para sa ating ikabubuti.

Dino-dios ang tiyan

“Ang kanilang kahihinatnan ay kapahamakan, ang kanilang tiyan ang kanilang diyos, at ang kanilang kahihiyan ang kanilang kapurihan, na nakatuon ang isip sa mga bagay na makalupa.” Philippians 3:19 ADB

Pakaingatan natin na huwag nasusunod ang ating panlasa at kagustuhan sa tinuturing ng tao na pagkain ngunit hindi nararapat. Tandaan natin na ang ating unang magulang na si Adan at Eba ay nahulog sa pagkakasala sa pamamagitan ng pagkain.

Lipas na ang dietary laws ng Leviticus 11?

Alam ng maraming Kristiano na mababasa sa Biblia ang mga batas sa kalusugan na ito. Ngunit marami ay hindi na ito sinusunod sa dahilang nilinis na raw ang mga ito o lipas na o pang-Hudyo lamang raw ang mga tagubiling ito.

Tatalakayin natin ng detalye ang tungkol sa bagay na ito sa susunod na mga aritcles. Ngunit iiwan natin ang ilang katanungan:

Kung nilinis na ng Dios ang mga hayop na tinaguriang marumi bilang pagkain, bakit halos lahat ng kumakalat na sakit ngayon ay mate-trace sa pagkain ng mga ito?

May pagbabago ba sa physical na anyo, composition, o gawain ng mga hayop na ito kumpara noong panahon ng Lumang Tipan at sa panahon natin ngayon? Ang ipis ba ay nagpalit na ng kanyang mga gawi? Ang baboy ba ay ayaw ng magtampisaw sa dumihan?

Pangako ng Dios sa mga masunurin

“Aalisin sa iyo ng Panginoon ang lahat ng karamdaman; at hindi niya ilalagay sa iyo ang alinman sa masamang sakit sa Ehipto na iyong nalaman…” Deuteronomy 7:15 ADB

Ang pangakong magandang buhay na ligtas sa mga sakit ay bunga ng tamang pagsunod sa Dios.

“Sapagkat iyong pinakinggan ang mga batas na ito, at iyong iningatan at sinunod ang mga ito, ay tutuparin sa iyo ng Panginoon mong Diyos ang tipan at ang wagas na pag-ibig na kanyang ipinangako sa iyong mga ninuno.” Deuteronomy 7:12

Ang pagsunod ay laging may katumbas na biyaya. Automatic na iyon. Ganito tayo kamahal ng Dios. Nais Niya ang lubos na makakabuti para sa atin. Ibalik natin sa ating Manlilikha ang papuri!

Visited 3,796 times, 1 visit(s) today
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

One thought on “Paniki, daga, aso, baboy, kuhol, shrimp, atbp. kapag kinain sakit sa nakakarami ang dulot

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *