• Let us hear the conclusion of the whole matter: Fear God, and keep his commandments: for this is the whole duty of man.

    Ecclesiastes 12:13 KJV
ang galing ni God luke 10 27 pagibig sa Dios at kapwa

Ang pagibig sa Dios at sa kapwa ay bago at kapalit ng Sampung Utos sa panahong Kristiano?

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

Ginagamit ng marami ang Matthew 22:25-40, Mark 12:29-31, at Luke 10:25-28 upang ituro na ang mga kautusang nakasaad doon ay ipinalit na raw ng Panginoong Jesus sa Sampung Utos para sa panahong Kristiano. Ito ang pag-aaralan natin sa article na ito.

Nakasulat sa nasabing mga talata ang kilala sa tawag na Greatest Commandments: ang pagibig sa Dios at ang pagibig sa kapwa:

Sumagot si Jesus, “Ang pangunahing utos ay ito: ‘Makinig ka, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos ay iisang Panginoon. 30 Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang iyong buong puso, nang iyong buong kaluluwa, nang iyong buong pag-iisip, at nang iyong buong lakas.’ 31 Ang pangalawa ay ito, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.” 32 Sinabi sa kanya ng tagapagturo ng Kautusan, “Tama ka, Guro. Batay sa katotohanan ang sinabi mo na iisa nga ang ating Panginoon at wala nang iba maliban sa kanya. 33 Ang umibig sa kanya nang buong puso, buong pagkaunawa, buong lakas, at ang umibig sa kapwa gaya ng pag-ibig sa sarili, ay higit kaysa lahat ng mga handog na sinusunog at iba pang mga hain.”

Mark 12:29-33

26 “Ano ba ang nasusulat sa Kautusan?” sagot ni Jesus. “Ano ang pagkaunawa mo?” 27 Sumagot ang lalaki, “Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, at nang buong kaluluwa, at nang buong lakas, at nang buong pag-iisip mo; at mahalin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.” 28 At sinabi niya sa kanya, “Tama ang sagot mo. Gawin mo iyon at mabubuhay ka.” 

Luke 10:26-27

37 At sinabi niya sa kanya, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. 38 Ito ang dakila at pangunahing utos. 39 At katulad nito ang pangalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’ 40 Nakabatay sa dalawang utos na ito ang buong Kautusan at ang mga propeta.”

Matthew 22:37-40

Nakabatay

Malinaw sa huling talata ang nakasaad na sa dalawang utos na ito “nakabatay” ang mga kautusan ng Dios. Ibig sabihin, ito ang foundation ng mga kautusan ng Dios, at ganun nga ang ating makikita sa Sampung Utos.

Ang unang apat na kautusan ay kakikitaan ng pagibig sa Dios, at ang huling anim sa Sampung Utos ay kakikitaan ng pagibig sa kapwa.

Nakita natin na sa halip na alisin ng mga talatang nabanggit ang Sampung Utos ng Dios ay mas pinalawak pa nito ang ating pagkaunawa sa mga kautusan. Hindi sila dapat pinaglalaban, bagkus nagtutulungan pa ang mga talata sa isa’t-isa.

Pagibig ang prinsipyo ng kautusan ng Dios

At kung titingnan pang mabuti, ang dalawang kautusang ito ay nauuwi sa isang prinsipyo, at yan ay ang pagibig. Ang kautusan ng Dios ay pagibig. Ang character ng Dios ay pagibig. Ang prinsipyo ng pamamahala ng Dios at ang Kanyang pakikipagrelasyon ay pagibig.

Ang hindi umiibig ay hindi nakakilala sa Diyos dahil ang Diyos ay pag-ibig.

1 John 4:8

Pagibig, kautusan, at Biblia

Limitado ang kakayanan ng taong umunawa ng mga bagay ng Dios. Kung titigil lamang tayo sa prinsipyo ng pagibig ay magkakaroon ng iba’it-ibang interpretasyon at unawa ang mga tao kung ano ang pagibig at paano nila ito gagawin.

Ito ang dahilan kaya mayroon tayong mga talata sa Biblia tulad ng Matthew 22:25-40, Mark 12:29-31, at Luke 10:25-28, na ipinapakita sa atin na ang prinsipyo ng pagibig ay ginagawa sa kapwa at sa Dios. Sa mga talatang ito ay nalalaman natin kung para kanino natin ibibigay ang pagibig: sa Dios at kapwa.

Ngunit hindi pa rin nito nasasagot ang “paano?”, kung kaya’t binigyan tayo ng Dios ng Sampung Utos. Sa mga letra at prinsipyo ng mga kautusang ito ay malalaman natin kung paano ang pagibig sa Dios at sa kapwa.

Sakali mang meron pa rin hindi malinaw kung paano susundin ang prinsipyo ng pagibig, bagaman nariyan na ang Sampung Utos, ay mayroon tayong buong Biblia bilang gabay sa atng pamumuhay. Ang kautusan ng Dios at mga aral sa Biblia ay hindi magkakasalungat.

Hindi na bago

Ang tinatawag na Greatest Commandments na mababasa sa Matthew 22:25-40, Mark 12:29-31, at Luke 10:25-28 ay pawang quoted mula sa Deuteronomy 6:4-5:

Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buo ninyong lakas.

Deuteronomy 6:5

Huwag kayong gumanti ng masama o magtatanim ng galit sa inyong kapwa, kundi mahalin ninyo siya gaya ng inyong sarili. Ako ang Panginoon.

Leviticus 19:18

Nakita natin na hindi na ito bago para sa panahong Kristiano. Noon pa man ay alam na ng mga tagasunod ng Dios na ito ay ang buod at pinagbabatayan ng mga kautusan ng Dios.

Kaya mali na isipin o ituro ng sinuman na ang “pagibig sa Dios at pagibig sa kapwa” ay bagong utos sa panahong Kristiano kapalit ng mga kautusan ng Dios.

Visited 876 times, 1 visit(s) today
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *