• Huwag kang susunod sa marami upang gumawa ng masama, ni magbibigay patotoo sa isang usapin na kumakampi sa marami upang baluktutin ang katarungan…

    Exodus 23:1-3
ang galing ni God pag-aaral ng sanctuary

Pag-aaral ng Sanctuary sa panahong Kristiano? Gabay laban sa mga maling aral

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

Ang pag-aaral ng sanctuary sa Biblia ay maglalayo sa atin sa maraming mga maling aral dahil ito ang pattern, gabay, o huwaran na ibinigay ng Dios patungkol sa kaligtasan ng tao.

“Ang paglilingkod nila ay anyo at anino lamang ng mga bagay na makalangit; tulad din noon nang bigyan ng tagubilin si Moises nang malapit na niyang itayo ang tabernakulo, “Tiyakin mo na gagawin mo ang lahat ayon sa huwarang ipinakita sa iyo sa bundok.”

Hebrews 8:5 FSV

Ang sanctuary na ating tinutukoy ay ang tabernacle na pinagawa ng Dios kay Moises sa Sinai na yari sa tent upang mabilis na natatanggal at muling naitatayo habang naglalakbay ang mga Israelita patungo sa Canaan.

Kinalaunan ay nagpatayo si King Solomon ng konkretong sanctuary na siyang hinangaan ng maraming leaders ng iba’t-ibang bansa kasama na si Queen Sheba.

Nasira ito ng lusubin ng Babilonia ang Jerusalem sa panahon ni King Nebuchadnezzar at muling naipatayo sa pamumuno nila Ezra at Nehemia. Nagpatuloy ito hanggang sa madatnan ng ating Panginoong Jesus (Matthew 21:12-13).

Ito ay karaniwang tinatawag na earthly sanctuary dahil ito ay kopya lamang ng mas malawak at engrandeng sanctuary sa langit na nakita ni Moises, Apostle Paul, John the Revelator, at iba pang writers ng Biblia.

Purpose ng Sanctuary

Ano ang pinaka-purpose ng Dios kung bakit ibinigay Niya ang sistema ng sanctuary kasama na dito ang paghahandog ng literal na tupa para sa kapatawaran ng kasalanan?

“And let them make Me a sanctuary, that I may dwell among them. “

Exodus 25:8 NKJV

Ang muling makasama ng Dios ng mukhaan ang mga tao na Kaniyang nilalang ang siyang pinakadahilan kung bakit ipinagawa ng Dios kay Moises ang sanctuary sa lupa.

Gabay sa katotohanan

Magbibigay tayo ng isang halimbawa kung bakit ang sanctuary ay gabay natin sa katotohanan lalu na sa kaligtasan ng tao. Tulad ng nabanggit na sa itaas, ang ipinatayong sanctuary kay Moises ay huwaran ng kung anong meron sa langit.

Sa pamamagitan ng pagtingin pa lamang sa geography o placement ng mga articles sa sanctuary ay nagtuturo na ito na ang kaligtasan ng tao ay may tatlong phases, at ang kaligtasan ay isang proseso.

Salvation is not a one-time event, kundi isang proseso.

Mas bibigyan natin ito ng detalye sa mga susunod na postings.

Dapat pa rin bang sundin ang mga seremonya sa earthly sanctuary?

Ang pagsunod sa mga literal na seremonya sa earthly sanctuary, tulad ng paghahandog ng literal na tupa, ay hindi na natin ginagawa. Ngunit ang mga ito ay dapat pinag-aaralan upang masundan natin ang ating Panginoong Jesus.

Tama po. Maging ang ating Panginoong Jesus ay sinunod at sinusunod ang mga seremonyang ito in a spiritual sense.

  1. Ginanap Niya ang pagiging Handog na walang kapintasan. Namuhay Siya ng walang bahid ng kasalanan. (Unblemish sacrificial animal)
  2. Namatay Siya bilang Handog na Tupa (Sacrificial lamb sa Altar of Sacrifice)
  3. Nailibing Siya ngunit nabuhay na mag-uli (Laver representing baptism on water burying the old life and resurrecting as new, born again being)
  4. Pumasok Siya sa Holy Place upang gampanan ang priestly ministry para sa sanctification ng Kanyang mga tagasunod.
  5. Pumasok Siya sa Most Holy Place upang gampanan naman ang Day of Atonement o Judgment.
  6. Lalabas Siya sa sanctuary upang gawin ang Scapegoat ceremony

Yamang tayo’y mayroong isang marangal at Pinakapunong Pari na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Diyos, ay hawakan nating matatag ang ating ipinahahayag.

Hebrews 4:14 ABTAG2001

Ngayon, ang pangunahing bagay na aming sinasabi ay ito: Mayroon tayong gayong Pinakapunong Pari na nakaupo sa kanan ng trono ng Kamahalan sa kalangitan, isang ministro sa santuwaryo at sa tunay na tabernakulo na itinayo ng Panginoon, hindi ng tao.

Hebrews 8:1 ABTAG2001

Ang pagiging High Priest ng ating Panginoong Jesus ngayon sa heavenly sanctuary ay nagsasabi sa atin na dapat pa nating mas paigtingin pa ang pag-aaral ng sanctuary, dahil ito ang magtuturo sa atin ng tamang pattern, tamang gabay, tamang daan sa pag-aaral ng kaligtasan ng Dios.

Paglitaw ng mga maling aral

Ang Panginoong Jesus mismo ang nagbigay ng warning na darating ang panahon na maraming maling aral ang lalaganap dahil marami ring lilitaw na mga maling tagapagturo (Matthew 7:15).

Ngunit ibinigay ng Dios ang sanctuary upang mailayo tayo sa mga maling aral na magdadala sa atin sa kapahamakan.

Nakakalungkot lamang na marami sa Kristiano ngayon ang isinasantabi ang pag-aaral at pagtuturo ng sanctuary sa kaisipang hindi na ito masyadong mahalaga dahil “panahon pa ito ni Moises“.

Nawa sa maikling pag-aaral na ito ay nakita natin ang kahalagahan ng pag-aaral ng sanctuary. Ito ang magdadala sa atin sa tamang pagkaunawa ng maraming bagay sa Biblia.

  • Nais mo bang magkaroon ng mas malalim ng pagkakilala sa Dios? Pag-aralan mo ang Kanyang sanctuary.
  • Nais mo bang malaman ang iyong kalagayan bilang taong makasalanan at kung bakit kailangan mo ng Tagapaglitas? Pag-aralan mo ang sanctuary.
  • Nais mo bang malaman ang tamang paraan ng kaligtasang bigay ng Dios? Pag-aralan mo ang sanctuary.
  • Nais mo bang malaman kung ano dapat mong ginagawa bilang Kristiano habang naghihintay sa muling pagbabalik ng Panginoong Jesus? Makikita mo ito ng maliwanag sa sanctuary.
  • Nais mo bang malaman kung anong meron sa tahanan ng Dios? Pag-aralan mo ang sanctuary.
  • Nais mo bang malaman ang tungkol sa mga anghel at iba pang nilalang ng Dios na hindi nahulog sa pagkakasala? Pag-aralan mo ang sanctuary.
  • Nais mo bang malaman ang tamang prophetic timeline ng Dios at mga events na mangyayari sa hinaharap (Bible prophecies o eschatology)? Pag-aralan mo ang sanctuary.

Ito ay ilan lamang sa mga benefits na makikita natin sa pag-aaral ng sanctuary. Sa mga susunod na articles ay pag-aaralan natin ang Biblia sa lens at point of view ng sanctuary. Ito ay isang exciting na pag-aaral at tyak na maghahatid sa atin sa tamang pagkaalam sa Dios na ating pinaglilingkuran!

Ang pagbibigay ng Dios ng sanctuary sa tao ay nagpapakita kung gaano Niya tayo kamahal na ayaw Niya tayong mawaglit patungo sa napakaraming maling aral. Napakagaling ni God para sa atin!

Napag-aralan mo na ba ang tungkol sa sanctuary ng Dios? Share your thoughts through the comment box below.

Visited 799 times, 1 visit(s) today
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

3 thoughts on “Pag-aaral ng Sanctuary sa panahong Kristiano? Gabay laban sa mga maling aral

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *