• The fear of the LORD is the beginning of wisdom: and the knowledge of the holy is understanding.

    Proverbs 9:10 KJV
ang galing ni God Bible Verses nawawala ba ang kaligtasan

Nawawala ba ang kaligtasan na naibigay na sa isang tao, ayon na mismo sa Dios?

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

May sinabi ba ang Dios na kapag naibigay na ang kaligtasan sa isang tao ay maaari pa rin itong mawala sa kanya habang nabubuhay siya sa mundong ito? Meron po, at yan ang pag-aaralan natin sa article na ito.

Ngunit bago natin basahin ang Bible verse na nagsasabing Dios mismo ang magtatanggal ng kaligtasang naibigay na sa isang tao ay magandang mapag-aralan rin natin ang Parable of the Unforgiving Debtor o Servant na mula mismo sa ating Panginoong Jesus.

Summary ng Parable of Unforgiving Debtor

Sa Matthew 18:21-35 ay nakatala ang parable ng unforgiving debtor, at narito ang buod.

Nais maningil ng hari sa mga taong may utang sa kanya, isa na dito ang Unforgiving Debtor na napakalaki ng utang na kahit anong gawing paghahanapbuhay ay hindi mababayaran. Nagmakaawa ang Unforgiving Debtor at kinahabagan naman siya ng hari at pinatawad sa kanyang pagkakautang.

Masayang umalis sa harapan ng hari ang Unforgiving Debtor. Ngunit nang makita niya ang kapwa alipin na may utang rin sa kanya ay naging malupit ito sa kapwa alipin at nais pagbayarin ang pagkakautang sa kanya.

Nagmakaawa ang kapwa alipin, ngunit hindi ito pinakinggan ng Unforgiving Debtor. Nakita ng ilan ang pangyayari at isinumbong sa hari. Sa galit ng hari ay inilagay ang Unforgiving Debtor sa kulungan at pinaranas ng kalupitan. Mananatili siya doon hanggang sa mapunan niya ang pagkakautang.

Nakita natin sa parable na napatawad na sana ang Unforgiving Debtor ngunit nawala pa sa kanya ang kapatawarang kanyang natamo na.

Ang Parable of the Unforgiving Debtor ay nagtuturo sa atin na maaaring mawala ang pagpapatawad ng Dios sa atin kung hindi tayo marunong mamuhay ng tulad sa isang taong nagkamit ng kalayaan sa kasalanan.

Taong matuwid na tumigil

Narito ang ilan pang talata sa Biblia na nagtuturo sa atin na maaaring mawala ang kaligtasang biyaya ng Dios sa isang taong humiwalay sa Kanya.

Ezekiel 18:24

“Pero kung ang taong matuwid ay tumigil sa paggawa ng matuwid, nagpakasama at gumawa pa ng kasuklam-suklam gaya ng ginagawa ng mga taong masama, patuloy pa rin kaya siyang mabubuhay? Siyempre hindi! Kalilimutan na ang mga ginawa niyang matuwid. At dahil sa pagtataksil niya sa akin at sa mga ginawa niyang kasalanan, mamamatay siya.

Kapag ang taong matuwid ay tumigil sa paggawa ng matuwid at magpakasama, mamamatay siya dahil sa kanyang kasalanan.

Taong nakatikim ng biyaya ngunit tumalikod

Hebrews 6:6-7

Sapagkat kung tatalikuran ng isang tao ang Dios, hindi na siya mapagsisisi at mapapanumbalik pa sa Dios. Naliwanagan na ang pag-iisip niya, nakatikim na ng mga biyaya mula sa langit, tumanggap ng Banal na Espiritu, nakatikim na ng kabutihang dulot ng salita ng Dios, at nakadama na ng kapangyarihang ihahayag sa huling araw. Pagkatapos, kung tumalikod pa rin siya sa Dios, hindi na siya mapagsisisi at mapapanumbalik sa Dios dahil para na rin niyang ipinakong muli sa krus at dinala sa kahihiyan ang Anak ng Dios…

Nanganganib itong sumpain na lang ng Dios, at sa bandang huli ay susunugin.

Ayon sa context ng talata, ang taong ito ay tumalikod sa Dios. Ibig sabihin ay dati na siyang believer at may kaligtasan, ngunit tumalikod at sa huli ay susunugin.

Naisulat na ang pangalan sa Aklat ng Buhay

Exodus 32:33

Sumagot ang Panginoon kay Moises, “Kung sino ang nagkasala sa akin, ang pangalan niya ang buburahin ko sa aklat ko.

Pansinin na ang pangalan ay naisulat na sa Aklat ng Buhay ng Dios, ngunit maaari pa ring burahin ito ayon na rin mismo sa bibig ng ating Panginoong Dios.

Nakita natin ang pagkakaisa nina Apostol Pablo, Panginoong Jesus, at ng Dios sa katuruan na maaaring mawala ang kaligtasan sa isang taong meron na nito kung hindi siya lalakad sa buhay na nais ng Dios.

Assurance of Salvation

Kaya ang payo ng ating Panginoong Jesus ay “manatili kayo sa Akin at Akoʼy mananatili sa inyo.” John 15:4 ASND.

Ang pananatiling ito sa Dios ay nangangahulugang pagsunod sa Kanyang mga utos, sa ilalim ng pangunguna at biyaya ng Banal na Espiritu. Ang kasiguraduhan ng kaligtasang bigay ng Dios ay mananatili kung tayo ay nagpapatuloy na buong nagpapasakop sa ating Panginoong Jesus.

Visited 5,422 times, 1 visit(s) today
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

3 thoughts on “Nawawala ba ang kaligtasan na naibigay na sa isang tao, ayon na mismo sa Dios?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *