• Huwag kang susunod sa marami upang gumawa ng masama, ni magbibigay patotoo sa isang usapin na kumakampi sa marami upang baluktutin ang katarungan…

    Exodus 23:1-3
ang galing ni God 1 Peter 5 7

Mga Bible verses laban sa anxiety, depression, at kawalang pag-asa

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

Mahalaga na may taong makakausap sa panahon na nararamdaman mong tinatalo ka ng kaaway dahil sa depression at anxiety. Maging tapat sa nararamdaman at huwag mahiya o matakot na sabihin ito sa mga taong alam mong may malawak na pang-unawa at handang makinig sa iyong mga saloobin.

Bagaman ang mga taong ito na ginagamit ng Dios upang tayo ay matulungan, may mga limitasyon rin at kahinaan sila. Ito ang dahilan kaya dapat ay mayroon tayong matibay na pananalig sa Dios; ito iyong personal nating relasyon sa Kanya.

Hindi natin kailangang maging banal o perpekto para lamang pakinggan ng Dios. Ang lumalang sa atin ay laging handang makinig at bigyan tayo ng mga miracles sa panahong kailangan natin ito.

At kung ating nalalaman na tayo’y pinapakinggan niya sa anumang ating hingin, nalalaman natin na natanggap natin ang mga kahilingang hinihingi natin sa kanya. 

1 John 5:15

I will give you rest

Ito mismo ang pangako ng Dios sakaling dumating tayo sa puntong hindi na natin kaya.

“If you are tired from carrying heavy burdens, come to me and I will give you rest.”

Matthew 11:28

Ganunpaman, mas maganda na laging isama ang Dios sa lahat ng mga plano at gawain. Matuto tayong makinig sa Kanya sa pamamagitan ng pagbabasa ng Kanyang mga salita sa Biblia. Huwag na nating hintayin pa na tayo ay mapahamak at saka lamang lalapit sa Kanya.

Place of refuge

Ngunit dahil sa tayo ay nabubuhay sa mundong punong-puno ng masasamang intention, at tayo ay biktima ng pagmamalabis ng iba ay lagi nating tatandaan na may Dios tayong handang yumakap sa atin bantayan tayo laban sa mga hagupit ng kaaway.

“Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati, matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan;” 

Psalm 9:9

Nature walk

Nakakatulong rin ang paglalakad sa palibot ng nature tulad ng garden o tabing-dagat. Maliban sa magbibigay ito sa atin ng mga sangkap para sa maayos na kalusugan ay magpapa-alaala rin ito na mayroong Dios na lumalang ng mga bagay na ating pinapakinabangan.

Kung kaya ng Dios na lumikha mula sa wala, kaya Niya ring alisin ang mga problema sa ating buhay.

“God cares for you, so turn all your worries over to him.”

1 Peter 5:7

Mas malawak ang awa ng Dios

Kalimitan, ang ating mga paghihirap ay dahil na rin sa ating pagsuway. Ang mga pagdurusa ay pagkakataon upang turuan tayo ng Dios at nawa’y matauhan tayo at bumalik tayo sa Kanya.

Kung mangyari man na ramdam natin ang “palo” ng Dios bilang ating Magulang, ito ay saglit lamang. Kung babalik agad tayo sa Kanya ay makakasiguro tayong panghabangbuhay ang bunga ng desisyong ito.

“Sapagka’t ang kaniyang galit ay sangdali lamang; ang kaniyang paglingap ay habang buhay: pagiyak ay magtatagal ng magdamag, nguni’t kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan.” 

Psalm 30:5

I-challenge mo si God

Anumang kinahaharap nating mga pagsubok ay pagkakataon ito upang subukan natin ang mga pangako ng Dios. Marami nang nagpapatotoo hindi lamang sa Biblia kundi na rin sa mga taong nakapalibot sa atin kung paano sila ginabayan ng Dios sa panahong madilim ang kanilang pananaw.

Subukan mo Siya. Hayaan mong masunod ang Kanyang nais sa buhay mo. Ipanalangin mong bigyan ka ng unawa upang makita mo ang pagmamahal ng Dios sayo.

Visited 6,485 times, 1 visit(s) today
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *