Ang kilalang awitin na may chorus na “Lord, heal our land” at malimit ginagamit sa mga social media posts tuwing mayroon pinagdadaan ang bansa tulad ng mga natural disasters, matinding krimen, o pandemic ay hango sa 2 Chronicles 7:14.
“… If my people, who are called by my name, will humble themselves and pray and seek my face and turn from their wicked ways, then I will hear from heaven, and I will forgive their sin and will heal their land. Now my eyes will be open and my ears attentive to the prayers offered in this place.”
2 Chronicles 7:14-15
Makikita sa talata na mayroong mga kundisyon ang Dios upang pagalingin ang bayan. Ang mga kundisyung ito ay hindi kapritsuhan ng Dios, kundi mga hakbang upang lalu tayong mapabuti. Ilan sa mga conditions ay ang mga sumusunod:
1. Pagpapakumbaba
Ang pagpapakumbaba sa Dios ay pagtanggap na ang lahat ng kabutihan ay nanggagaling sa Kanya.
And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose.
Romans 8:28
So kung gusto nating mapabuti kailangan natin magpakumbaba at magpasakop sa Dios. Siya ang nagbibigay ng wisdom, tamang gabay, at resources upang masolusyunan ang mga problema. After all, Siya ang lumalang sa atin, alam Niya kung ano ang nararapatan para sa atin.
2. Pananalangin
Bagaman alam na ng Dios kung ano ang ating pangangailangan bilang isang individual, isang pamilya, o isang bayan ay nararapat pa rin ang paglapit sa Kanya sa pamamagitan ng pananalangin.
Ang pagbigkas ng pananalangin na mula sa puso ay nagbubukas ng mga kaisipang posibleng makatulong sa pagbubuo ng mga solusyon.
Pinapakita rin ng pananalangin na tayo ay nakadepende sa Kanya at hindi sa ating sariling mga kakayanan. Sa pananalangin ay isanasama natin ang Dios sa pagharap sa mga problema. Sa hirap at ginhawa dapat lagi natin Siyang kasama.
3. Hanapin ang Dios
But seek ye first the kingdom of God, and his righteousness; and all these things shall be added unto you.
Matthew 6:33
Makabubuti para sa lahat na unahin ang pagka-alam ng mga bagay na nais ng Dios para sa ating lahat: at iyan ay walang iba kundi ang ating kaligtasan.
Kung ang priority natin sa buhay ay ang ating kaligtasan, at kaligtasan ng kapwa, magbabago ang ating mga desisyon. Isasa-alang-alang natin ang kapakanan ng iba. Ito mismo ang nais ng Dios sa Kanyang bayan, na ang bawat isa ay hindi sakim o selfish.
Pagiging sakim o selfish ang totoong kalaban ng mga tao.
Ang lunas dito ay walang iba kundi ang character na ipinakita ni Jesus noong Siya ay nabuhay dito sa mundo. Hindi kamay na bakal o nuclear weapons ang magbibigay ng ginhawa sa bawat isa, kundi ang pagiging selfless na tanging Dios lamang ang makapagbibigay sa bawat tao sa Kanyang itinakdang panahon.
The more na nakikita natin ang character ni Jesus, the more na nahahanda tayo bilang citizens ng bagong langit at bagong lupa na pinangako ng Dios sa Kanyang bayan. Doon ay wala ng kasakiman, giyera, pandemya, at anupamang pagdurusa.
4. Layuan ang kasamaan
Ang mga kasamaang humahagupit sa bayan ay epekto lamang ng ating paglabag sa mga kautusan ng Dios. Ang mga sakit na nararanasan ay paglabag sa batas ng kalusugan ng Dios.
Kung iisa-isahing muli ang Sampung Utos ng Dios, ang lahat ng mga ito ay nilalabag natin hindi lamang sa mga personal na mga actions, kundi pati na rin sa matataas na level ng gobyerno at mga taong malawak ang impluwensiya.
Ang itinuturing na mga kasalanan ng Biblia tulad ng pagkakaroon ng mga idolo, pagbanggit ng pangalan ng Dios sa walang kabuluhan, pagpatay na di inaayunan ng batas, pagpapalaganap ng kasinungalingan, paggamit ng mga bayarang witnesses, pagsiping sa hindi asawa o hindi pa kasal… ang mga ito ay normal nang gawain, hindi na ikinahihiya, at ganap ng kultura in a global sense.
Ang pagsisinungaling ngayon o paggawa ng fake news ay isa nang lucrative business. Gumagawa ng kasinungalingan at shini-share kumita lamang ng pera at mapanatili sa pwesto.
Ang pagbigkas ng “Jesus Christ” at “OMG” ay kahalintulad na lamang ng pagmumura kapag nagugulat. Marami sa mga bata at professed Christians ang karaniwan nang bukambibig ito. Nawala na ang pagrespeto sa banal na pangalan ng Dios.
Ang pagsasama ng kapwa babae o kapwa lalake na malinaw na itinuturing na kasalanan sa Biblia ay suportado na ng maraming bansa sa pamamagitan ng pagsasabatas nito.
Dumating na ang panahon na kung ang isang tao ay magsasalita laban sa mga kasalanang ito at upang ituwid ang mga mali ay siya pa ang mapapasama. Marami na sa mga Kristiano ngayon ang takot ng magsalita ng mga katotohanan sa Biblia.
Kapayapaan ang dulot ng pagsunod sa mga conditions ng Dios
Bagaman alam natin na ang mundong ating ginagalawan ay patungo sa kapahamakan at hindi masusulosyunan ng kahit sino pa mang magaling na tao, pulitiko, organization, o simbahan ay nararapat pa rin sa atin na mamuhay ng naayon sa mga tagubilin ng Dios na mababasa sa Kanyang Banal na Aklat.
Kung marami sa mga Kristiano, karaniwang mamamayan man o may taglay na kapangyarihan o impluwensiya, ay susunod sa mga conditions ng Dios ay mararanasan natin ang kapayapaan sa mga lugar na ating ginagalawan kahit ito ay pansamantala lamang.
Kung hindi man natin makamit ang pansamantalang kapayaang iyon at dahil sa ating pagtitiwala at pagsunod sa Dios ay makakaasa tayong mapapabilang tayo sa Kanyang nalalapit na kaharian na doon ay totoong mararanasan ang walang hanggang kapayapaan na hangad ng bawat isa ngayon.