Patuloy nating sinusundan ang ating Panginoong Jesus sa Kanyang pagmi-ministeryo para sa ating kaligtasan na siya namang ipinapakita sa atin sa pamamagitan ng sistema sa sanctuary.
Sa nakaraang pag-aaral ay nag-umpisa tayo sa Encampment na kung saan dito inihahanda at mapapatunayan kung paano naging karapat-dapat ang ating Panginoong Jesus bilang Taong Handog para sa ating mga kasalanan.
Dahil sa namuhay Siya bilang tao na hindi nagkasala ay valid ang Kanyang kamatayan sa krus na siya namang nirerepresentahan ng Altar of Sacrifice sa Outer Court ng sanctuary. Ang Altar of Sacrifice ay ang unang furniture na makikita sa sanctuary sa Outer Court ng isang taong nais humingi ng tawad sa kanyang mga kasalanan, mula sa Encampment.
Katabi ng Altar of Sacrifice sa Outer Court ng sanctuary ay ang Laver. Ito ang pag-aaralan natin ngayon.

Laver, naglalaman ng tubig bilang panlinis
Ang Laver ay naglalaman ng tubig. Dito naghuhugas ng kamay ang saserdote bago at matapos ang paghahandog ng hayop sa Altar of Sacrifice. Dapat rin siyang maghugas ng kamay at paa bago pumasok sa Holy Place ng sanctuary.
Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Gumawa ka ng tansong planggana na tanso rin ang patungan, para gamiting hugasan. Ilagay mo ito sa gitna ng Toldang Tipanan at ng altar, at lagyan ito ng tubig. Ito ang gagamitin ni Aaron at ng mga anak niya sa paghuhugas ng mga kamay at paa nila, bago sila pumasok sa Toldang Tipanan, at bago sila lumapit sa altar para mag-alay sa akin ng mga handog sa pamamagitan ng apoy…”
Exodus 30:17-21 ASND

Laver: Paglibing at pagkabuhay na magmuli
Nirerepresentahan ng Laver ang paglilinis ng kasalanan sa pamamagitan ng tubig, o more specifically ng dugo ng ating Panginoong Jesus.
Makikita rin natin na ang Laver ay tumutukoy sa pagkalibing at pagkabuhay na magmuli ng ating Panginoong Jesus. Kung ia-apply natin sa ating karanasan bilang tagasunod ni Jesus ay nagtuturo ito sa ating baptism sa tubig at espiritu.
Kaya noong binautismuhan tayo, namatay tayo at inilibing na kasama niya. Kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay mamuhay sa bagong buhay.
Romans 6:4 ASND
Ang pagbautismo sa espiritu ay ginagawa ng Holy Spirit sa ating buhay. Ito ay isang proseso at kabahagi na ng ating buhay Kristiano hanggang sa tayo ay magkaroon ng character na sapat para maging citizen ng bagong langit at bagong lupa.
But when the kindness and the love of God our Savior toward man appeared, not by works of righteousness which we have done, but according to His mercy He saved us, through the washing of regeneration and renewing of the Holy Spirit, whom He poured out on us abundantly through Jesus Christ our Savior, that having been justified by His grace we should become heirs according to the hope of eternal life.
Titus 3:4-7 NKJV
Sinusunod ni Jesus ang sistema sa sanctuary
Makikitang patuloy lang nating sinusundan ang sistema sa sanctuary dahil ito rin ang sinusundan ng ating Panginoong Jesus sa Kanyang pagmi-ministeryo para sa ating kaligtasan.
Ayon sa Revelation 7:14-15, ang mga “pinaputi ang mga damit sa pamamagitan ng dugo ng Tupa” ay naglilingkod araw at gabi sa templo ng Dios.
“Sila ang mga dumaan sa matinding paghihirap. Nilinis at pinaputi nila ang kanilang mga damit sa pamamagitan ng dugo ng Tupa. Iyan ang dahilan kung bakit nasa harap sila ng trono ng Dios. Naglilingkod sila sa kanya araw at gabi sa kanyang templo.
Revelation 7:14-15 ASND
Kung nais nating magkaroon ng bahagi sa paglilingkod sa Dios sa Kanyang templo o sanctuary ay dapat alam natin ang loob at sistema nito. Dahil dito, ang pag-aaral ng sanctuary ay napakahalaga upang hindi tayo “feeling out of place” sa bahay ng Dios, at hindi tayo malayo sa tamang aral Niya.
Ang Encampment at Outer Court ay sa planet Earth
Nag-umpisa tayo sa Encampment. Matapos nito ay pumasok tayo sa Outer Court ng sanctuary kung saan naroon ang Altar of Sacrifice at Laver. Ang lugar kung saan naroon ang Encampment at Outer Court ay nagre-represent sa planet Earth.
Mapapansin na sa mga seremonya ng Altar of Sacrifice at Laver ay kasama at nakikita ng tao ang saserdote na tumutulong sa pagdaos ng seremonya. Tulad ng pagganap ni Jesus bilang Taong Handog (Encampment), pagkamatay sa krus (Altar of Sacrifice), pagkalibing at pagkabuhay na magmuli (Laver), ang lahat ng ito ay naganap sa ating mundong ginagalawan.
Nakita ng marami at nakasalamuha si Jesus. Dahil dito ang Encampment at Outer Court ay tumutukoy sa mundong ating ginagalawan.
Ang Holy Place at Most Holy Place ay sa langit
Ngunit matapos ito ay umakyat na ang ating Panginoon sa langit upang gawin ang susunod na ministeryo Niya para sa ating kaligtasan.
Katulad ng saserdote sa sanctuary, matapos ang mga seremonya sa Outer Court ay papasok ito sa Holy Place upang gampanan ang kanyang tungkulin doon. Dahil dito, ang sanctuary proper kung saan naroon ang Holy Place at Most Holy Place ay nasa langit. Sa heavenly sanctuary na ito ay ang ating Panginoong Jesus mismo ang Punong Saserdote.
Kaya panghawakan nating mabuti ang pinaniniwalaan natin dahil mayroon tayong dakilang punong pari na pumasok sa kalangitan, na walang iba kundi si Jesus na Anak ng Dios.
Hebrews 4:14 ASND
Ito ang ibig kong sabihin: Mayroon na tayo ngayong punong pari na nakaupo sa kanan ng trono ng Kataas-taasang Dios sa langit. Naglilingkod siya bilang punong pari sa Pinakabanal na Lugar na hindi tao ang gumawa kundi ang Panginoon mismo.
Hebrews 8:1-2 ASND
Ang sunod nating pag-aaralan ay ang ministeryo ng ating Panginoong Jesus sa Holy Place ng heavenly sanctuary.
Purihin ang Dios dahil binigyan Niya tayo ng pattern o modelo, ang sanctuary o templo o bahay ng Dios, upang mas lalu nating maunawaan ang Daan ng kaligtasan, at upang hindi tayo maligaw ng mga maling aral.
One thought on “Laver: Paglibing at pagkabuhay na magmuli”