Di ka man palarin dahil sa COVID-19, bubuhayin kang muli ng Dios para sa Kanyang kaharian

ang galing ni God loyalty at faith kay Jesus

Resulta ng kasalanan

Sa pagtatapos ng mundo ay pinapakita sa atin ng Salita ng Dios na marami pang mga hindi magagandang pangyayari ang matutunghayan ng mundo.

Dahil sa epekto ng matinding pagkakasala ng mga tao ay mas marami pang sakuna, pestilences (pandemic), lindol, pagkasira ng kagubataan sa pamamagitan ng apoy, malawakang baha, tsunami, at mas lalung paglubog ng moralidad ng tao.

Ito ay pawang resulta nang pagbalewala natin sa kautusan ng Dios at Kanyang mga gabay para sa atin. Kung susundin lamang ang Dios na Siyang nakakaalam ng mabuti para sa satin ay mag-iiwas ito sa maraming sakit at kahirapan.

Mismong ang Panginoong Jesus ang nagsambit ng mga di kanais-nais na mga pangyayaring ito na mababasa natin sa Matthew 24.

“And ye shall hear of wars and rumours of wars: see that ye be not troubled: for all these things must come to pass, but the end is not yet. For nation shall rise against nation, and kingdom against kingdom: and there shall be famines, and pestilences, and earthquakes, in divers places. All these are the beginning of sorrows.”

Pangako ng Dios

Ganunpaman, may pangako ang Dios na paulit-ulit Niyang sinasabi sa atin sa maraming pahina sa Biblia: na Siya ay muling darating at itatayo Niya ang Kanyang kaharian na ligtas sa kasalanan, mga sakit, sakuna, at lahat ng epekto ng kasalanan.

Si Jesus na nagbanggit ng mga di kanais-nais na mga mangyayari sa hinaharap ay Siya ring nangako na tatapusin Niya ang mga gawaing ito ng kaaway.

“Let not your heart be troubled: ye believe in God, believe also in me… And if I go and prepare a place for you, I will come again, and receive you unto myself; that where I am, there ye may be also.”

John 14:1-3 KJV

Bagaman tayo ay mamatay

Tulad ng mga kaibigan ni Daniel sa loob ng lumalagablab na horno, maaaring ang iba sa atin ay papalaring tumagal pa ang buhay at makaligtas sa mga hataw ni Satanas sa huling kapanahunan. Maaaring ang iba sa atin ay hahayaan ng Dios na mabuhay hanggang sa dumating Siya sa ikalawang pagkakataon.

Tulad naman ni Stephen, ni John the Baptist, at marami pang iba ay maaaaring ang iba sa atin ay makakaranas ng kamatayan at hindi makakaligtas sa mga sakuna at hagupit ni Satanas sa mga tao at kalikasan.

Maaring ang iba sa atin ay makapitan ng kinatatakutang SARS CoV 2 sa kabila ng tripleng pag-iingat, at sa kasamaang palad ay di kayanin at bawian ng buhay, ngunit hindi ito dapat magpapabagsak ng ating pananampalataya sa Dios.

Kung matulad man tayo sa karamihan sa mga alagad ng Panginoong Jesus na nakaranas ng matinding persecution, at namatay sa mga kahindik-hindik na pamamaraan, hindi dapat ito magpapahina ng ating kalooban.

Manatiling loyal sa Dios

Hangga’t ang ating desisyon, buhay at loyalty ay sa Panginoong Jesus nakatuon ay wala tayong dapat ipangamba dahil alam nating kaya Niya tayong buhaying muli at dalhin Niya sa Kanyang kaharian na doon ay wala nang paghihirap at kasalanan.

“For if we believe that Jesus died and rose again, even so them also which sleep in Jesus will God bring with him.

For this we say unto you by the word of the Lord, that we which are alive and remain unto the coming of the Lord shall not prevent them which are asleep.

For the Lord himself shall descend from heaven with a shout, with the voice of the archangel, and with the trump of God: and the dead in Christ shall rise first:

Then we which are alive and remain shall be caught up together with them in the clouds, to meet the Lord in the air: and so shall we ever be with the Lord. Wherefore comfort one another with these words.”

1 Thessalonians 4:16-18 KJV

Nawa ay magsilbing paalala ito sa atin na manatiling nakakapit sa Dios lalu na sa panahon ng COVID-19 pandemic na ating kinahaharap.

,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *