• Ako, ako nga ang siyang pumapawi ng iyong mga pagsuway alang-alang sa akin, at hindi ko aalalahanin ang iyong mga kasalanan.

    Isaiah 43:25
earthly sanctuary

Hindi ba’t lipas na ang sanctuary, panahon pa ito ni Moises?

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

Nang malagutan ng hininga ang ating Panginoong Jesus sa cross ay kasabay nitong napunit mula taas hanggang ibaba ang kurtinang humahati sa Holy Place at Most Holy Place ng earthly sanctuary (Matthew 27:51). Nagpapakita ito ng pagtatapos ng pagsasagawa ng mga seremonya sa earthly sanctuary.

Ito ang dahilan kung bakit hindi na tayo naghahandog pa ng literal na tupa sa mga bahay sambahan ngayon, dahil si Jesus na mismo ang Tupang handog ng tao na mismong ang Dios ang naghanda (John 1:29).

Bagaman tinapos na sa cross ang pagsasagawa ng mga seremonya sa loob ng earthly sanctuary ay nagpapatuloy naman ang totoong sinisimbuluhan ng mga ito sa sanctuary sa langit.

Hangga’t hindi pa natutupad ang pangakong lubusang “makatahan at makasama ng Dios ang mga tao sa gitna nila” ay patuloy ang pagganap sa mga activities sa loob ng sanctuary, ngunit ito ay sa langit isinasagawa.

“Now this is the main point of the things we are saying: We have such a High Priest, who is seated at the right hand of the throne of the Majesty in the heavens, a Minister of the sanctuary and of the true tabernacle which the Lord erected, and not man.”

Hebrews 8:1-2 NKJV

Sa vision ni Apostle John ay nakita niya ang sanctuary sa langit.

“Then God’s temple in heaven was opened, and within his temple was seen the ark of his covenant. And there came flashes of lightning, rumblings, peals of thunder, an earthquake and a severe hailstorm. “

Revelation 11:19 NKJV

Tulad ng nabanggit nang una, ang sancuary sa langit ang siyang pattern kung saan kinopya ang sanctuary na nakita ng marami dito sa lupa sa Old Testament.

“Ang paglilingkod nila ay anyo at anino lamang ng mga bagay na makalangit; tulad din noon nang bigyan ng tagubilin si Moises nang malapit na niyang itayo ang tabernakulo, “Tiyakin mo na gagawin mo ang lahat ayon sa huwarang ipinakita sa iyo sa bundok.”

Hebrews 8:5 FSV

Ang earthly sanctuary na ipinagawa kay Moises (Exodus 25) ay kopya lamang ng sanctuary na nasa langit. Ang mga seremonya at activities na ginagawa noon sa earthly sanctuary ay pattern lamang upang maunawaan natin ang tunay na mga katuparan nito sa heavenly sanctuary.

Yes, may sanctuary pa sa ngayon, at ito ay nasa langit. Sa sanctuary-ng ito ay ang Panginoong Jesus mismo ang Pintuan, and Daan, ang Tupang Handog, ang High Priest, at Mediator natin sa trono ng Ama.

Visited 631 times, 1 visit(s) today
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

One thought on “Hindi ba’t lipas na ang sanctuary, panahon pa ito ni Moises?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *