NEWSTART, mabisang prevention laban sa coronavirus at iba pang mga sakit

ang galing ni God newstart

Habang tumatagal, ang mundo ay mas lalung lumalala. Nalalaman natin na ito ay dala at epekto ng kasalanan, particular na ng ating pagiging makasarili, rebellious sa Dios, at pabaya sa sarili.

Idineklara na ng World Health Organization (WHO) bilang worldwide emergency ang kaso ng coronavirus. Ganunpaman hinihimok ang lahat na maging kalmado at gawin ang nararapat.

Ang NEWSTART ay isang programang pangkalusugan na matagal nang ipinapangaral sa marami. Mabisa itong prevention laban sa maraming mga sakit.

Ang NEWSTART ay isang acronym na nagpapaalala sa isang tao kung ano ang nararapat na gawin araw-araw upang maiwasan ang iba’t-ibang sakit.

Layunin ng programang ito na maging kabahagi na ng buhay ng isang tao (o lifestyle). Narito ang ibig sabihin ng NEWSTART.

Nutrition

Balanseng pagkain na naglalaman ng iba’t-ibang vitamins at minerals ang kailangan ng tao.

Mahirap sauluhin ang napakaraming vitamins na mayroon sa mga gulay, prutas, beans, at iba pa; ngunit ang isang technique na ginagamit ng marami upang matiyak na may sapat at balanseng pagpasok ng nutrients sa katawan ay ang pagkakaroon ng iba’t-ibang kulay sa pagkain.

Kapag ganito ang ginawa ay tiyak na mayroong variety ng nutrients para sa ating katawan. Sa simula pa lamang ay binanggit na ng Dios kung ano ang the best na pagkain para sa mga tao.

“Narito, ibinigay ko sa inyo ang bawa’t pananim na nagkakabinhi, na nasa ibabaw ng balat ng lupa, at ang bawa’t punong kahoy na may bunga ng punong kahoy na nagkakabinhi; sa inyo’y magiging pagkain.”

Genesis 1:29 ADB

Kung hangad natin ay maayos na nutrition ay dapat iwasan ang mga naimbentong pagkain ng mga tao na hindi naman kailangan ng katawan.

Exercise

Siguraduhing mayroong hindi bababa sa isang oras na physical exercise sa isang araw. Kung kaya namang maglakad at hindi nagmamadali ay mas makakabuti na maglakad na lamang. Ang paglalakad ng mabilis ay nakakatulong sa pagtunaw ng mga fats sa katawan at maisama ito sa pawis o pagdumi.

Ang pag-e-exercises ay nagpapalakas ng mga muscles at buto. Nagtatanggal din ito ng mga nakabarang taba sa daanan ng mga dugo. Gawing intentional ang pagkakaroon ng pawis sa isang araw dala ng physical exercise.

Water

Kapag kulang sa tubig ay nagiging malapot ang dugo at nahihirapan itong umakyat sa utak o dumaloy sa iba’t-ibang organs ng katawan. Kapag ito ang nangyari ay magkakaroon ng sakit ng ulo, pagkahilo, at iba pang karamdaman.

Hindi tayo mapakali kung natapunan ng ice-cream ang ating balat o damit. Agad-agad natin itong pinupunasan o nililinisan sa pamamagitan ng tubig. Ganito rin sana ang maisip natin tuwing may kinakain tayong matatamis. Ang malalagkit na ito ay isipin nating dumi rin na kailangan hugasan mula sa ating bibig, lalamunan at iba pang dinadaanan kaya kailangang uminom upang mahugasan. Kailangan natin ang tubig upang malinis ang loob at labas ng katawan.

Siguraduhin ring malinis ang mga kasangkapan lalu na sa kusina upang maiwasan ang mga sakit na nakukuha sa daga, ipis, at iba pang mga insekto.

Sunlight

Alam nating lahat na ang sikat ng araw sa balat ay nagiging dahilan upang magkaroon tayo ng Vitamin D kaya huwag maging maarte kung tinatamaan ng sikat ng araw.

Ang sikat ng araw ay mabisa ring pangpatay ng mga mikrobyo sa damit, balat, at iba pang mga bagay-bagay.

Temperance

Maraming naimbento ang tao na pagkain o inumin na hindi naman kailangan ng katawan tulad ng alak, kape, paninigarilyo, at iba pang bisyo.

Piliin ang mga taong laging nakakasama upang makatulong sa pag-iwas sa mga inumin at pagkain na makakasama sa katawan. Huwag kalimutang ang Holy Spirit ay laging handa upang bigyan tayo ng lakas na labanan ang mga ito.

Air

Pagplanuhan ang pagpunta sa outdoors na ligtas sa pollution. Piliing pumunta sa mapunong lugar dahil ang mga puno ay nagre-release ng oxygen na kailangan ng tao.

Kailangan ng katawan ang hangin ngunit dapat ito ay malayo sa mga maliliit na elementong makakasira sa katawan.

Rest

Huwag magpuyat. Huwag maging workaholic, huwag rin namang maging tamad. Anim na araw tayong binigyan ng Dios ng panahon upang gawin ang para sa atin, ngunit ang ikapito ay kapahingahan para sa Dios.

“Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. Nguni’t ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa…”

Exodus 20: 8-10

Ang ‘anumang gawa’ na tinutukoy sa talata ay mga gawaing pansarili tulad ng paghahanapbuhay. Ang pagggawa ng kabutihan ay kailanman hindi pinagbabawal ng Dios. Samantalahin natin ito bilang biyayang galing sa Panginoon.

Trust in God

Bagaman huli sa acronym na NEWSTART, ngunit ito dapat ang inuuna bago ang lahat.

“Magtiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo Siya sa lahat ng iyong mga lakad, at Kaniyang ituturo ang iyong mga landas.”

Proverbs 3:5-6 ADB

At kailan dapat ginagawa ang pagtitiwala sa Dios?

“Hanapin muna ninyo ang Kaniyang kaharian, at ang Kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.”

Matthew 6:33 ADB

Ang pagtitiwala sa Dios ay unang ginagawa sa umaga bago ang lahat.

Ang pagiging successful sa pag-iwas sa mga sakit ay maaaring maging paraan upang tayo ay magmalaki at mapuno ng pagkabilib sa sarili kung hindi natin uunahin at kikilalalanin na ang lahat ng mga biyayang ito ay galing sa Dios.

Nawa ay makatulong ang NEWSTART upang maiwasan natin ang pagkakaroon ng maraming sakit.

Please SHARE with your loved ones.


One response to “NEWSTART, mabisang prevention laban sa coronavirus at iba pang mga sakit”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *