• Let us hear the conclusion of the whole matter: Fear God, and keep his commandments: for this is the whole duty of man.

    Ecclesiastes 12:13 KJV
ang galing ni God aral mula sa covid19

Aral mula sa COVID-19: Sumunod sa health laws, huwag pigilan ang pagpapahayag ng katotohanan

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

Hindi biro ang Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus 2 o SARS-CoV-2. Marami na itong pinatay at pinahihirapan. Wala itong sinasantong antas sa buhay, gender, political affiliation, o relihiyon.

Ganunpaman, may mga itinuturo itong mahahalagang leksiyon sa atin.

No man is an island

Isa na dito ay ang katotohanan sa katagang “no man is an island”, na kahit anong gawin nating paglayo mula sa lipunan at mabuhay sa sariling mundo ay either makaka-apekto sa iba o tayo ang maaapektuhan.

To each his own“, “Walang pakialaman ng paniniwala“, at “Mind your own” ay ilan lamang sa mga naririnig natin na sagot mula sa mga taong ‘defensive’ at tila ramdam ang palo ng katotohanan ng Dios.

Ngunit dahil sa COVID-19 ay muling napatunayan natin na mali ang ganoong mga pangangatwiran.

Ang mga maling lifestyle at pagkain na ginawa sa Wuhan, China ay nakaapekto sa buong mundo. Nagdulot ito ng coronavirus na pinaniniwalaang galing sa paniki at pangolin na nakuha ng tao.

Dahil sa hindi pagsunod ng iba sa batas ng kalusugan ng Dios ay lahat nadamay. Matapos lalangin ng Dios ang tao ay ibinigay Niya ang pagkain na nararapat: prutas at gulay. Ito ay mababasa natin sa Genesis 1:29-30:

Sinabi ng Diyos, “Tingnan ninyo, ibinigay ko sa inyo ang bawat halaman na nagkakabinhi na nasa ibabaw ng lupa, at ang bawat punungkahoy na may binhi sa loob ng bunga; ang mga ito ay magiging pagkain ninyo.”

Sa bawat mailap na hayop sa lupa, at sa bawat ibon sa himpapawid, at sa bawat gumagapang sa ibabaw ng lupa, sa bawat bagay na may hininga ng buhay ay ibinigay ko ang lahat ng halamang luntian bilang pagkain.”

Ngunit dahil sa pagkakasala ay pinahintulutan na Niya rin ang pagkain ng laman ng hayop. Ganunpaman, meron pagkakakilanlan kung alin ang dapat kainin. May mga hayop na nilalang ang Dios hindi para kainin kundi para mapanatili ang ecosystem ng kalikasan.

Pag-iingat sa katawan, bahagi ng aral ni Jesus

Ang tunay na relihiyon ay nagtuturo ng tamang pag-iingat sa katawan ng tao. Itinuturo nito na ang katawan ng tao ay templo ng Holy Spirit.

“O hindi ba ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo mula sa Diyos, at kayo ay hindi sa inyong sarili? Sapagkat kayo’y binili sa isang halaga, kaya’t luwalhatiin ninyo ng inyong katawan ang Diyos.”

1 Corinto 6:19 ATAB

Dahil dito ay magiging maingat ang isang Kristiano sa kanyang pamumuhay; kasama dito ang pagpili ng tamang pagkain, pag-iwas sa alcohol, sigarilyo, at iba pang mga bisyo.

Ang pagiging workaholic, kaunting oras ng pagtulog, kakulangan sa exercise, katamaran, at pag-aabuso sa katawan ay pare-parehas mali at dapat itama.

Lahat ng gawaing nagreresulta sa paglaganap ng mga sakit ay iiwasan ng isang nagpapakilalang anak ng Dios. Ang pakikipagtalik sa marami, sa kaparehas na gender, sa hayop, sa patay, at iba’t-iba pang pinagbabawal ng Biblia ay isinulat para sa ikabubuti natin.

Huwag pigilan ang pangangaral

Nakatitiyak tayo na kung susunod lamang ang marami sa batas ng kalusugan ng Dios ay hindi tayo aabot sa pandemic.

Ganunpaman, alam natin na habang nalalapit tayo sa katapusan ng mundo ay mas lalala ang kasalanan ng tao at magdudulot ito ng mas marami pang sakuna at paghihirap ng marami.

Ganito talaga ang mundong ating ginagalawan. Dapat tayong mabuhay na may pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba.

Kapag pinigilan natin ang pagsasalita ng katotohanan ay sa ikapapahamak natin ito. Gaano man kasakit sa ating pandinig ay para sa ikabubuti naman natin.

Ang payo sa atin ay “test the spirits” at “hold fast to what is good”.

“Beloved, do not believe every spirit, but test the spirits to see whether they are from God, for many false prophets have gone out into the world.”

1 John 4:1 ESV

“Huwag ninyong hamakin ang mga paghahayag. Suriin ninyo ang lahat ng mga bagay. Hawakan ninyo ang mabuti.”

1 Thessalonians 5:21 BSB

Sa susunod na may mangaral sa inyong lugar patungkol sa tamang asal, tamang pagkain, pamumuhay na naayon sa Biblia ay huwag nating hamakin o pigilan dahil para ito sa ikabubuti ng lahat.

Visited 771 times, 1 visit(s) today
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *