Isa ito sa mga matutunghayan mo sa buong buhay na hindi mo makakalimutan. Marami ang nabagabag matapos itong panoorin. Wala nito sa mga nakaraang henerasyon kundi ngayon lamang sa panahon natin. Isa po itong babala.
Taong 2016 ng pumanaw ang anak ni Jang Ji-sung na si Nayeon dahil sa sakit na wala pang lunas. Pitong taong gulang ng mamatay ang bata.
Sa ganitong edad ay napakarami nang alaala ang naibigay ng bata sa kanyang pamilya, lalung-lalu na sa kanyang ina. Walang nagnanais na maagang mawala ang bata sa piling ng kanyang pamilya.
Matapos ang tatlong taon ay muling nakita ni Jang ang “kanyang pumanaw na anak”. Hindi gamit ang picture o recorded video o anumang magic o sorcery, kundi sa tulong ng technolohiya, ng virtual reality (VR).
Ini-upload ng Munhwa Broadcasting Corporation (MBC) ang video documentary ng pagtatagpo nina Jang at Nayeon sa pamamagitan ng virtual reality. Pinamagatan itong “I Met You”.
May mga segment sa video kung ano ang nakikita ng ina sa virtual reality at may mga segment rin kung ano ang nangyayari sa real world.
Tulad ng mga nakaranas nang gumamit ng VR, sinuutan rin si Jang ng headset at haptic gloves. Nasa harap niya ang isang napalaking green screen kung saan lalabas sa VR ang footage ng kanyang “anak” na si Nayeon.
Sa video ay nagkaroon ng pagkakataong muling mag-kausap ang mag-ina at magkahawak kamay. May naganap pang birthday party at pagsindi ng kandila sa cake.
Habang nagaganap ang pagtatagpo ng mag-ina ay nanonood naman ang iba pang miyembro ng pamilya: ang tatay, dalagang anak, at isa pang batang babae na halos kasing edad ni Nayeon.
Bagaman hindi nila nakikita ang natutunghayan ng ina sa VR dahil green screen at wala silang gamit na headset, ngunit naririnig nila ang pag-uusap.
May ilang beses na napapatigil ang batang babae kapag naririnig ang boses ng kanyang pumanaw na kapatid. Sobrang nakakaantig sa puso ang ganitong mga eksena.
“Maybe it’s a real paradise,” ayon kay Jang matapos ang pagtatagpo nila sa pamamagitan ng VR. “I met Nayeon, who called me with a smile, for a very short time, but it’s a very happy time. I think I’ve had the dream I’ve always wanted,” dagdag pa ni Jang.
Ayon sa Aju Business Daily, umabot ng walong buwan upang magawa ang nasabing documentary. Gumamit sila ng child actor bilang model upang gawin ang galaw, hugis, at pagsasalita ni Nayeon.
Nagdisenyo rin sila ng virtual park hango sa lugar kung saan malimit puntahan ni Jang at ni Nayeon sa totoong buhay.
Hindi man perpekto ang mga desinyo ngunit tinuturing ng nasabing production team na success ang kanilang programa dahil sa nagbigay ito ng ibang level ng emotion at pag-alaala sa mga naiwang mahal sa buhay.
A tool to move on
Hati ang reactions ng mga tao sa nasabing technology matapos mapanood ang video documentary.
Ayon kay Ellen Weber ay magagamit raw ang technology para sa mga taong may nais pang sabihin sa kanilang mga pumanaw na mahal sa buhay ngunit nahihirapan pang gawin ito dahilan upang hindi maka-move-on.
“I suppose it might be helpful to a person who has a ton of regrets for leaving things unsaid. A chance to say them and move on. I think it should only be used once, then you’re done. Some people just need that closure. Not much different than standing over a gravesite and speaking to the departed.” – Ellen Weber
Back to zero sa healing process
Bagaman masaya si Jang sa kanyang experience at nagbigay ito ng magandang alaala para sa kanya bilang ina, marami naman ang nabahala sa future ng nasabing technology.
Para naman kay Annie Komaromi ay sa halip na makapag-move-on na ay babalik sa zero ang proseso ng paghilum para sa taong naiwan dahil sa karanasanang ito.
“How do you get over the mourning process and cope with everyday reality with this? When I see how the simple fact of dreaming of a long-deceased loved one resets the mourning process for me, I can only see the cruelty in what this technology offers.”
Hindi sa totoong pumanaw na mahal sa buhay
Ayon naman kay Alexander Carney, hindi sa totoong yumaong mahal sa buhay nakikipag-interact ang mga taong nasa real world, kundi sa mga images at artwork ng mga designers.
“Its basically pouring your heart out to a NPC. Nothing to do with your loved on besides an image. People act like they are channeling and are able to talk to the dead or something.”
Matuturing rin kaya itong pakikipag-usap sa mga patay na tinuturing ng Dios na isang abomination? o isang hakbang patungo roon?
Solusyon ng Dios sa kamatayan
Ang video documentary ay nagbubukas ng maraming katanungan at possibilities. Anuman ang mga ito ay nananatili ang realidad ng kamatayan, at ito ay totoong masakit at mapait para sa mga naulila.
Alam natin na ang kamatayan ay dahil sa pagkakasala, ngunit ang Dios ay may solusyon sa kasalanan at sumpa na dala nito. Ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak upang tayo ay maibalik sa buhay na walang pagkakasala at kamatayan.
“For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.”
John 3:16 NIV
Tamang aral ay gabay sa healing process
Marami pang maiimbento ang mga tao upang solusyunan ang pait at hapdi na dulot ng kamatayan. Hindi natin lubos maisip kung anu-ano ang magiging epekto nito sa ating mundo at pagkatao.
Ngunit ang Dios ay may matagal nang solusyon. Ang Kanyang muling pagbabalik ang dapat na nagbibigay sa atin ng pag-asa na muling makita ang ating mga pumanaw na mahal sa buhay.
Kasabay ng malakas na utos at ng tinig ng arkanghel at ng tunog ng trumpeta ng Diyos, babalik ang Panginoon mula sa langit. Bubuhayin muna ang mga namatay na nananalig kay Cristo.”
Pagkatapos nito, tayo na nanatiling buháy ay titipunin sa ulap at isasama sa mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Pagkatapos noon ay makakapiling na natin ang Panginoon magpakailanman.
Kaya nga palakasin ninyo ang loob ng bawat isa sa pamamagitan ng mga aral na ito.
1 Thessalonians 4:16-18 FSV
Ang pagkaunawa sa tamang aral patungkol sa pagbabalik ni Jesus ang dapat na nagbibigay sa atin ng lakas ng loob para makapag-move-on mula sa pait ng karanasang dulot ng kamatayan.
Ano ang masasabi mo dito?