• Let us hear the conclusion of the whole matter: Fear God, and keep his commandments: for this is the whole duty of man.

    Ecclesiastes 12:13 KJV
ang galing ni God Bible Verses pagpapatawad sa kapwa

Bible verses tungkol sa pagpapatawad sa kapwa

Dahil sa ang Dios ay hindi nagkukulang sa pagpapatawad sa ating mga kasalanan ay nararapat rin tayong patuloy na magpatawad sa kapwa.

Ito ay madaling sabihin ngunit kailangan ng lakas ng Holy Spirit upang masunod natin. Kung ating magagawa ay magdudulot ito ng kapayapaan at maglalayo sa atin sa mga sakit na pwede namang maiwasan.

Ang pagiging masayahin ay parang gamot na nakabubuti sa katawan, ngunit ang pagiging malungkutin ay nagpapahina ng katawan.

Proverbs 17:22 ASND

Sa pag-aaral ng topic na forgiveness ay lagi nating isasama ang Parable of the Unforgiving Debtor. Ito ay may malaking aral na itinuturo sa atin patungkol sa pagpapatawad ng Dios.

Mateo 18:23-35 Ang Parable ng Unforgiving Servant

Kaya’t ipinatawag siya ng kanyang panginoon, at sinabi sa kanya, ‘Ikaw na masamang alipin! Ipinatawad ko sa iyo ang lahat ng utang na iyon, sapagkat nakiusap ka sa akin. Hindi ba dapat kang nahabag sa iyong kapwa alipin, kung paanong nahabag ako sa iyo?’

Proverbs 10:12

Ang pagkamuhi ay nagbubunsod ng alitan, ngunit tinatakpan ng pag-ibig ang lahat ng pagsuway.

Proverbs 17:9

Ang nagpapatawad ng kasalanan ay humahanap ng pagmamahalan, ngunit ang nagpapaulit-ulit sa usapin ay naghihiwalay ng magkakaibigan.

Mateo 5:39

Ngunit sinasabi ko sa inyo, ‘Huwag ninyong labanan ang masamang tao.’ At kung ikaw ay sampalin ng sinuman sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kabila.

Mateo 5:44-45

Ngunit sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang umuusig sa inyo, upang kayo’y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit, sapagkat pinasisikat niya ang kanyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga matuwid at sa mga di-matuwid.

Mateo 6:12

At patawarin mo kami sa aming mga utang, gaya rin namin na nagpapatawad sa mga may utang sa amin.

Mateo 6:14

Sapagka’t kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan.

Mateo 6:15

Datapuwa’t kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan.

Marcos 11:25

At kailan man kayo’y nangakatayong nagsisipanalangin, mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan.

Luke 6:35

Subalit ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti, magpahiram kayo na hindi umaasa ng kapalit. Malaki ang magiging gantimpala ninyo, at kayo’y magiging mga anak ng Kataas-taasan, sapagkat siya’y mabait sa mga di-mapagpasalamat at sa masasama.

Lucas 6:37

At huwag kayong mangagsihatol, at hindi kayo hahatulan: at huwag kayong mangagparusa, at hindi kayo parurusahan: mangagpalaya kayo, at kayo’y palalayain.

Lucas 17:3

Mangagingat kayo sa inyong sarili: kung magkasala ang iyong kapatid, sawayin mo siya; at kung siya’y magsisi, patawarin mo siya.

Lucas 17:4

At kung siya’y makapitong magkasala sa isang araw laban sa iyo, at makapitong magbalik sa iyo na sasabihin, Pinagsisisihan ko; patawarin mo siya.

Roma 12:17

Huwag ninyong gantihan ang sinuman ng masama sa masama. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuri-puri sa harapan ng lahat ng mga tao.

Roma 12:19-20

Mga minamahal, huwag ninyong ipaghiganti ang inyong sarili, kundi ipaubaya iyon sa galit ng Diyos; sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”

Kaya’t “kung ang iyong kaaway ay magutom, pakainin mo; kung siya’y mauhaw, painumin mo; sapagkat sa paggawa mo ng ganito ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kanyang ulo.”

Efeso 4:32

At magmagandang-loob kayo sa isa’t isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa’t isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.

Colosas 3:13

Mangagtiisan kayo sa isa’t isa, at mangagpatawaran kayo sa isa’t isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin.

1 Corinto 13:7

Pinapasan nito ang lahat ng bagay, pinaniniwalaan ang lahat ng bagay, inaasahan ang lahat ng bagay, tinitiis ang lahat ng bagay.

2 Corinto 2:5-7

Subalit kung ang sinuman ay nakapagdulot ng kalungkutan… Bagkus, inyong patawarin siya at aliwin, baka siya ay madaig ng labis na kalungkutan. Kaya’t ako’y nakikiusap sa inyo na papagtibayin ninyo ang inyong pag-ibig sa kanya.

2 Corinto 2:10

Ang inyong pinatatawad ay ipinatatawad ko rin. Ang aking pinatawad, kung ako’y nagpapatawad ay alang-alang sa inyo, sa harapan ni Cristo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.