Dear #Frontliners,
Mabuhay po kayo at Maraming Salamat sa malasakit.
Love, #teamMichaelleyva
Maliban sa maikling note na iyan ay sinamahan pa ng mga inspiring Bible verses ang mga paper bags na may lamang PPE sets na ipamimigay sa mga frontliners.
“I decided to put Bible verses and words of encouragement to uplift their day. Mabuhay po kayo and maraming salamat po sa malasakit,” ayon kay Leyva gamit ang kanyang Instagram.
Kasama ni Michael si Angel Locsin sa pamimigay ng unang batch ng PPEs na kanilang ginawa.
Nakakatuwang makita ang mga kilalang tao na ginagamit ang kanilang impluwensya at kakayanan upang makatulong sa marami.
Sa panahon ng COVID-19 pandemic ay minabuti ni Michael Leyva, isang fashion designer, na gamitin ang kanyang studio upang gumawa ng Personal Protective Equipment (PPE) para sa mga frontliners na lumalaban sa pagkalat ng COVID-19.
Patuloy na nagbibigay ng warning ang World Health Organization (WHO) nang pagkakaroon ng limitadong global supply ng mga PPEs dahilan upang marami sa mga doctors, nurses, at iba pang frontliners na malagay sa peligro.
Sa oras ng pagsusulat ng article na ito ay siyam na ang bilang ng mga doctor ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19.
Kasama ang kanyang team, gumawa sila Michael ng PPEs upang makatulong sa pagtugon sa kakulangan ng PPEs sa mga hospitals at clinics.

Hindi bababa sa 500 hazmat suits, head covers, at 5,000 washable face masks ang nagawa na nila, at inaasahang makakatapos sila ng 3,000 hazmat suits sa mga susunod na araw.
Matapos ilagay sa paper bag ang bawat set ng PPE ay nilagyan rin ito ni Michael ng mga Bible verses upang makapagbigay ng spiritual na lakas para sa mga frontliners.
Ang ilan sa mga Bible verses na makikita sa paper bags ay ang mga sumusunod:
The Lord is my strength and my defense; he has become my salvation.
Exodus 15:2 NIV
He is my God, and I will praise him, my father’s God, and I will exalt him.
Faith can move mountains.
Matthew 17:20 (paraphrased)
He gives strength to the weary and increases the power of the weak.
Isaiah 40:29 NIV
Patuloy po nating ipanalangin ang mga frontliners.
Isama rin natin sa prayers na marami pa sanang mga kilalang tao ang makaisip na gamitin ang kanilang resources at impluwensiya upang makagawa ng nararapat upang makatulong sa paglaban sa COVID-19.