• Let us hear the conclusion of the whole matter: Fear God, and keep his commandments: for this is the whole duty of man.

    Ecclesiastes 12:13 KJV
ang galing ni God perfect blameless walang kasalanan bible verses

Bible verses sa pagiging perfect, sakdal, blameless, o walang kasalanan ngayon at hanggang sa pagbabalik ni Jesus

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

Psalm 4:4

Kayo’y magsipanginig, at huwag mangagkasala: Mangagbulaybulay kayo ng inyong puso sa inyong higaan, at kayo’y magsitahimik.

Psalm 34:13-14

Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama.
At ang iyong mga labi sa pagsasalita ng karayaan.
Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti;
Hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.

Psalm 37:27

Ikaw ay humiwalay sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti;
At manahan ka magpakailan man.

Psalm 119:1-3,11

Mapalad silang sakdal sa lakad,
Na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon.
Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo,
Na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso.
Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan;
Sila’y nagsisilakad sa kaniyang mga daan.

Ang salita mo’y aking iningatan sa aking puso: Upang huwag akong magkasala laban sa iyo.

Zepanaiah 3:13

Ang nalabi sa Israel ay hindi gagawa ng kasamaan, ni magsasalita man ng mga kabulaanan; ni masusumpungan man ang isang magdarayang dila sa kanilang bibig; sapagka’t sila’y magsisikain at magsisihiga, at walang takot sa kanila.

John 5:14

Narito, ikaw ay gumaling na: huwag ka nang magkasala, baka mangyari pa sa iyo ang lalong masama.

John 8:11

At sinabi ni Jesus, Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo: humayo ka ng iyong lakad; mula ngayo’y huwag ka nang magkasala.

Romans 6:14

Sapagka’t ang kasalanan ay hindi makapaghahari sa inyo: sapagka’t wala kayo sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya.

Romans 8:3-4

Sapagka’t ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan:

Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.

1 Corinthians 15:34

Gumising kayo ng ayon sa katuwiran, at huwag mangagkasala; sapagka’t may mga ibang walang pagkakilala sa Dios: sinasabi ko ito upang kayo’y kilusin sa kahihiyan.

1 Thessalonians 5:23

Nawa’y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa’y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tapat ang tumawag sa inyo, at gagawin niya ito.

2 Timothy 2:19

Ngunit matibay ang pundasyong itinatag ng Diyos, at doo’y nakatatak: “Kilala ng Panginoon kung sinu-sino ang tunay na kanya,” at, “Ang bawat nagsasabing siya’y sa Panginoon ay dapat lumayo sa kasamaan.”

1 Peter 2:21-22

Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, nag-iwan siya sa inyo ng isang halimbawa na dapat ninyong lubos na tularan. Hindi siya gumawa ng anumang kasalanan, o nagsinungaling kailanman

1 Peter 4:1

Yamang si Cristo’y nagtiis ng hirap noong siya’y nasa buhay na ito, kayo man ay dapat maging handang magtiis, sapagkat ang nagtiis na ng hirap sa buhay na ito ay tumalikod na sa kasalanan.

2 Peter 3:14

Kaya nga, mga minamahal, yamang kayo’y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito, ay pagsikapan ninyong masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya.

1 John 1:7-9

Nguni’t kung tayo’y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa’t isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan. Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin. Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.

1 John 3:3-7

At sinomang mayroon ng pagasang ito sa kaniya ay naglilinis sa kaniyang sarili, gaya naman niyang malinis. Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan: at ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan. At nalalaman ninyo na siya’y nahayag upang magalis ng mga kasalanan; at sa kaniya’y walang kasalanan.

Ang sinomang nananahan sa kaniya ay hindi nagkakasala; sinomang nagkakasala ay hindi nakakita sa kaniya, ni hindi man nakakilala sa kaniya. Mumunti kong mga anak, huwag kayong padaya kanino man: ang gumagawa ng katuwiran ay matuwid, gaya niya na matuwid:

Jude 24

Ngayon doon sa makapagiingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo’y makapaghaharap na walang kapintasan na may malaking galak, sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian.

Revelation 3:21

Ang magtagumpay, ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan, gaya ko naman na nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan.

Revelation 14:5

At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis.

Matthew 5:48

Kayo nga’y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.

Visited 938 times, 1 visit(s) today
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *