“Let not your heart be troubled: ye believe in God, believe also in me. In my father’s house are many mansions: if it were not so, I would have told you. I go to prepare a place for you. And if I go and prepare a place for you, I will come again, and receive you unto myself that where I am, there ye may be also.”
John 14:1-3 KJV
Ito ang pinakalundo ng nais ng Dios para sa Kanyang mga anak, na makasamang muli ang Kanyang nilalang at harapang nakakausap.
Ginawa ng Dios ang tao upang Kanyang makasalamuha. Ang Dios ay isang Dios ng pagibig at nais makipagrelasyon sa tao. Simula’t simula pa lamang ng lalangin si Adan at Eba ay ganito na ang kanilang experience, na nakikita at nakakausap ang Dios ng harapan, face-to-face.
Maging si King David ay ganito rin ang inaasam balang araw.
“One thing I have desired of the Lord, that will I seek: That I may dwell in the house of the Lord all the days of my life, to behold the beauty of the Lord, and to inquire in His temple. “
Psalm 27:4 NKJV
Ang makita at makausap ang Dios ng mukhaan ay siya ring ipinangako ng Panginoong Jesus sa Matthew 5:8.
“Blessed are the pure in heart: for they shall see God.”
Ang pangakong ito ay paulit-ulit na ipinapahayag sa huling aklat ng Biblia.
“And they shall see his face; and his name shall be in their foreheads.”
Revelation 22:4 NKJV
Ang makasama ng Dios ang Kanyang mga anak sa Kanyang tahanan at makausap sila ng mukhaan ay ang pinaka-essence at purpose ng sanctuary.
“And let them make Me a sanctuary, that I may dwell among them. “
Exodus 25:8 NKJV
Hangad mo rin bang makita at makausap ng face-to-face ang Dios na lumalang at nagbigay sayo ng buhay?
Kung ‘oo’ ang iyong sagot ay panahon na para pag-aralang mabuti ang biblical sanctuary na Dios mismo nag-disenyo para sa tao upang maunawaan natin ang Kanyang daan tungo sa kaligtasan.
2 thoughts on “Ano ang purpose ng Dios sa pag-disenyo at pagbigay Niya ng sanctuary sa tao?”