• Ako, ako nga ang siyang pumapawi ng iyong mga pagsuway alang-alang sa akin, at hindi ko aalalahanin ang iyong mga kasalanan.

    Isaiah 43:25
ang galing ni God genesis 15 abraham bituin stars faith revived

Ano ang nag-revive sa faith ni Abraham na maaari rin nating gamitin ngayon?

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

Kilala natin si Abraham bilang father of faith, at kung gusto nating malaman paano ang buhay ng isang taong matibay ang paniniwala sa Dios ay hindi tayo nagkakamali kung karanasan ni Abraham ang ating pag-aaralan.

Sa article na ito ay aalamin natin kung ano ang nag-revive sa faith ni Abraham na maniwala sa pangako ng Dios na dadami ang kanyang lahi.

Ang experience na ito ni Abraham ay maari nating panghawakan, na sa panahong tayo ay nasa crisis at nagdududa sa gabay ng Dios ay pwede rin nating panghawakan ang bagay na muling nagbigay ng katatagan sa faith ni Abraham.

Tatlong beses nang sinabihan ng pangako

Sa Genesis 12:2, 7 at 13:16 ay mababasa ang tatlong iba’t-ibang pagkakataon kung saan pinangakuan ng Dios si Abraham ng pagdami ng lahi. Ang pagdami ng lahi ay nagpapakita ng blessings ng Dios sa isang patriarka. Bukod dito, dahil sa faith ni Abraham ay pinili ng Dios na ang kanyang lahi ang siyang magpapatuloy ng generasyon na may takot sa Dios. Ito ay pinanghawakan ni Abraham at buo ang tiwala niya na tutuparin ng Dios.

Ngunit sa paglipas ng panahon ay nabahala na si Abraham sa pangakong ito dahil tumatanda na siya, lalu pa’t ang kanyang asawang si Sara ay baog na.

Ang pag-asa niya sa pagdami ng kanyang lahi ay sa pamamagitan na lamang ni Eleazar na kanyang tapat na alipin at itinuturing niyang sariling anak. Ngunit hindi ito ang plano ng Dios. Nais ng Dios na ang magpapatuloy ng lahi ni Abraham ay mula mismo sa kanyang sariling laman.

Hindi binigyan ng anak

Sa Genesis 15 ay nagtanong na ng may pagkabahala si Abraham sa Dios kung paano mangyayari ang pangakong ito.

“O Panginoong Dios, ano po ang halaga ng gantimpala nʼyo sa akin dahil hanggang ngayon ay wala pa po akong anak… dahil hindi nʼyo po ako binigyan ng anak, kaya isa sa mga alipin ng sambahayan ko ang magmamana ng mga ari-arian ko.”

Sa mga salitang binitawan ni Abraham ay alam niyang imposible na ang magkaroon ng anak kung kalagayan niya ang pagbabasehan. Hindi natin masisisi si Abraham dahil totoong “pinaglipasan na sila ng panahon”. Scientifically and medically speaking ay sarado na ang sinapupunan ni Sara para magka-anak pa.

Ganito rin ang ating mga karanasan sa buhay. Kung iisipin natin at gagamitan ng scientific at critical thinking skills ang maraming bagay na umiikot sa ating buhay ay masasabi nating imposible na.

Sa dami ng mga pagkakamali natin sa harap ng Dios ay minsan iniiisip natin na malabo na tayong mapatawad. O kaya naman ay sa laki ng hinaharap nating challenges ay minsan naiisip natin na imposible na talaga.

Ano ang nag-udyok kay Abraham upang muling maniwala? Kung ano man iyon, ito ay isang bagay na maaari rin nating magamit sa tuwing nagninipis ang ating faith sa Kanya.

Mga bituin sa langit

Hindi direktang sinagot ng Dios si Abraham sa tanong na kung paano mangyayari na magkaka-anak pa siya sa kabila nang matanda na silang pareho ni Sara, bagkus ay “dinala siya ng Dios sa labas at sinabi,”

Masdan mo ang mga bituin sa langit, bilangin mo kung makakaya mo. Magiging ganyan din karami ang lahi mo.”

Genesis 15:5

Muli ay isang pangako ang binigay ng Dios kay Abraham, ngunit sa pagkakataong ito ay may kasama ng ebidensya ng Kanyang kapangyarihan.

Nang makita ni Abraham ang dami ng mga bituin sa langit at napag-isip-isip niya kung paano ang lahat ng mga ito ginawa, at kung paaano ang mga ito ay napapananitiling naayon sa kani-kanilang kalagayan ay labis na namangha si Abraham sa Dios.

Nagtiwala si Abraham

Ang mga bituin ay nagpa-alala kay Abraham na ang Dios na kanyang pinaglilingkuran ay Makapangyarihang sa lahat.

Kung kayang lumalang ng Dios ng mga galaxies at maglagay roon ng mga created beings na hango sa Kanya ang character ay magagawa rin Niyang bumuhay ng isang sanggol sa sinapupunan ni Sara.

Ipinapakita ng kalangitan ang kadakilaan ng Dios, ang gawa ng kanyang kamay. Araw at gabi, ang kalangitan ay parang nagsasabi tungkol sa kanyang kapangyarihan. Kahit na walang salita o tinig kang maririnig,
ang kanilang mensahe ay napapakinggan pa rin sa buong daigdig.

Psalm 19:1

Dahil sa ebidensiyang ito na nakita ni Abraham ay nagtiwala siya sa Dios.

Itinuring si Abraham na matuwid

Hindi lamang pagpapakatatag ng faith ni Abraham at pagkakaroon ng anak ang biyayang kanyang natamo sa experience na ito, kundi ay itinuring siyang matuwid sa harap ng Dios dahil sa kanyang pagtiwala.

Ang pagiging matuwid na ito ang siyang nais ng Dios para sa ating lahat na naniniwala sa Kanya. Kung tayo ay naniniwala sa Dios, automatic na na tayo ay magiging matuwid sa harap Niya gaano man kadilim ang ating nakalipas.

Ang creation ng Dios tulad ng mga bulaklak, mga hayop sa parang, mga ibon, kabundukan, ilog, dagat, kalangitan, at iba pang Kanyang mga gawa ay kailangan nating makita upang ma-revive ang ating pananampalataya sa Kanya.

Nawa ay magpa-alala ito sa atin, na ang ating Dios ay makapangyarihan sa lahat. Anumang problema meron tayo ngayon ay kaya itong mapanagumpayan kung kasama natin Siya.

Visited 390 times, 1 visit(s) today
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *