• Huwag kang susunod sa marami upang gumawa ng masama, ni magbibigay patotoo sa isang usapin na kumakampi sa marami upang baluktutin ang katarungan…

    Exodus 23:1-3
ang galing ni God ang magulang kahit tulog malaki pakinabang

Ang magulang kahit tulog malaki ang pakinabang. Presensya lamang nila ay sapat na upang magkaroon tayo ng peace of mind.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

Isa ka rin ba sa hindi makatulog o ayaw matulog ng hindi katabi ang nanay (o ang tatay) noong maliit ka pa?

Ang kanyang presensya at boses kahit hindi kumakanta ay parang isang lullaby na mabilis magpatulog. Ang warmth ng kanyang katawan o amoy ng buhok ay nagbibigay ng assurance na nariyan lamang siya sa tabi mo kahit tulog ka na.

Hindi ka pa kuntento na katabi lamang siya at mas gusto mo na yapos ng iyong kamay o paa si mama o si papa. Sa ganitong paraan ay mas kampante ka na siya talaga ang katabi mo, at hindi unan o teddybear lamang.

Bakit ganito ang ating ninanais noong mga bata pa tayo? Dahil kilala natin ang ating mga magulang. Alam natin na mahal nila tayo at kahit tayo ay tulog na ay sa isip natin nariyan lamang sila at binabantayan tayo.

Ang pagkakaroon ng peace of mind bago matulog ay isang factor upang magkaroon tayo ng mahimbing na pagtulog na nagreresulta sa maayos na pagpapahinga ng mga sistema ng ating katawan upang maging handa at magamit muli sa kinabukasan.

Mahawakan lamang ang damit ay sapat na

Marahil ay ganito ang nararamdaman ng babaeng nais gumaling sa kanyang sakit sa pamamagitan lamang ng paghawak sa damit ng Panginoong Jesus.

Labingdalawang taon niyang iniinda ang kanyang sakit. Labingdalawang taon na rin siyang sumubok ng kung anu-anong pampapagaling ngunit lahat ay walang bisa para sa kanya.

Simula nang nagpagaling ang Panginoong Jesus ay narinig ng babae ang mga testimonya ng mga taong tulad niya ang kalagayan ngunit ngayon ay gumaling na. Nakita ng kanyang mga mata mismo kung paano nagbago ang buhay ng mga taong ito. Nais niya ring gumaling at ito na ang pagkakataon.

Sa bawat kwento at testimonies na kanyang natutunghayan ay nabubuo para sa kanya kung sino talaga si Jesus na nais niyang maging Panginoon ng kanyang buhay.

Nabuo sa kanyang isipan at pinalakas ito ng kanyang pananampalataya sa tulong ng Holy Spirit na mahawakan lamang ang damit ni Jesus ay sapat na para gumaling siya.

Naisin man niyang yapusin at makasamang matagal ang Messiah tulad ng sa batang natutulog habang yapos-yapos ang magulang, ngunit dala na rin ng kultura at circumstances ay mas pinili niyang makuha ang ilang segundo lamang na mahawakan niya ang Panginoon.

Alam ni Jesus ang plano ng babae

Alam ng Panginoong Jesus ang lahat ng pangyayari. Sa halip na “ilang segundo lamang” ay tumigil Siya at isinapubliko ang ginawa ng babae; ito ay sa kabila nang kailangan Niyang magmadali upang pagalingin ang anak ni Jarius.

Ginamit Niya bilang object lesson ang ginawa ng babae upang turuan ang lahat kung ano ang pananampalataya, na hindi na nila kailangan pang literal na habulin ang Dios upang gumaling. Sa pamamagitan lamang ng faith ay maging ang mga “bundok ay susunod”.

Wala nang marami pang arte, tiwala lang sapat na

Meron rin kaya tayong pagnanais na yapusin ng matagal ang Panginoong Jesus balang araw dahil sa Kanyang pag-ibig at pagmamalasakit sa atin? Ngunit dahil sa tayo ay narito pa sa mundong makasalanan ay ipinasya ng ating pananampalataya na ang palagiang pagiging konektado sa ating Dios ay sasapat na upang maranasan natin ang Kanyang kaharian?

Nakita natin na ang ating mga magulang kahit tulog ay may pakinabang para sa atin. Ang kanilang presensya ay nagbibigay sa atin ng positibong resulta. Gaano pa kaya ang presensya ng ating Ama na nasa langit, ang ating Dios, na kailanman ay hindi natutulog?

Napakagaling ng ating Dios! Sa pamamagitan lamang ng faith ay maaari na nating makasama Siya, at ang relasyong ito ay nagbibigay ng agarang healing o solusyon sa ating mga pangangailangan.

Visited 449 times, 1 visit(s) today
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox_qk34"]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *