Napag-aralan natin sa nakaraan ang katotohanan na itinuturo sa atin ng encampment sa sistema ng sanctuary. Sa encampment inihahanda ang hayop na handog na dapat ay walang kapintasan, at naunawaan natin na ang mga ito ay tumutukoy sa ating Panginoong Jesus bilang Taong Handog para sa ating mga kasalanan.
Dahil sa natupad ni Jesus ang requirement ng kautusan na “ang handog ay dapat walang kapintasan” at namuhay Siya na walang kasalanan ay maaari na Niyang gawin ang susunod na step sa pagliligtas sa atin: at ito ay ang kamatayan Niya sa krus bilang Handog para sa ating mga kasalanan. Ito ang laman ng pag-aaral natin ngayon.
Sa Outer Court ng sanctuary ay may dalawang furniture: ito ang Altar of Sacrifice at Laver. Makikita natin sa pag-aaral ngayon na ang Altar of Sacrifice ay nagre-represent sa kamatayan ni Jesus, ang patungkol sa Laver ay bibigyan natin ng detalye sa susunod na article.

Si Jesus bilang Morning and Evening Sacrifice sa Altar of Sacrifice
Ito naman ang iyong ihahandog sa ibabaw ng dambana: dalawang kordero na tig-iisang taong gulang, araw-araw sa habang panahon. Ang isang kordero ay iyong ihahandog sa umaga; at ang isang kordero ay iyong ihahandog sa hapon;
Exodus 29:38-39 ABTAG2001
Ang bahagi ng kasulatan na binabasa niya ay ito: “Tulad ng tupa na dinala sa katayan; at sa isang kordero na hindi umiimik sa harap ng kanyang manggugupit, gayundin hindi niya ibinubuka ang kanyang bibig. Sa kanyang pagpapakababa ay ipinagkait sa kanya ang katarungan. Sino ang makapaglalarawan sa kanyang lahi? Sapagkat inalis sa lupa ang kanyang buhay.”
Sinabi ng eunuko kay Felipe, “Ipinapakiusap ko, tungkol kanino sinasabi ito ng propeta, sa kanya bang sarili, o sa iba?” Nagpasimulang magsalita si Felipe, at simula sa kasulatang ito ay ipinangaral niya sa kanya ang magandang balita ni Jesus.
Acts 8:32-36 ABTAG2001
Si Jesus bilang Passover Lamb
Ang inyong kordero ay walang kapintasan, isang lalaki na isang taong gulang; inyong kukunin ito sa mga tupa o sa mga kambing. Iyon ay… papatayin ng buong kapulungan ng kapisanan ng Israel … kukuha sila ng dugo, at ilalagay sa dalawang haligi ng pinto at sa itaas ng pintuan, sa mga bahay na kanilang kakainan.”
Exodus 12:5-7 ABTAG2001
Ayon kay Apostol Pablo, naganap ni Jesus ang pagiging Passover Lamb.
Sapagkat si Cristo, ang kordero ng ating paskuwa, ay naialay na.
1 Corinthians 5:7 ABTAG2001
Ang kamatayang ito ng ating Panginoong Jesus bilang Passover Lamb ay naihula rin sa Daniel 9:26-27.
And after the sixty-two weeks Messiah shall be cut off, but not for Himself;”
Daniel 9:26-27 NKJV
Ang kamatayan ni Jesus ay para sa lahat, sa buong mundo
… na dahil sa pagdurusa ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ay maranasan niya ang kamatayan alang-alang sa lahat.
Hebrews 2:9 (1 Timothy 2:5,6; 1 John 2:2)
Si Cristo ang umako sa mga kasalanan natin nang ipako siya sa krus, para iwanan na natin ang buhay na makasalanan at mamuhay nang matuwid. Dahil sa mga sugat niya, gumaling tayo.
1 Peter 2:24 ASND
Ngunit kung tungkol kay Jesus, alam natin na sa maikling panahon naging mas mababa ang kalagayan niya kaysa sa mga anghel, para maranasan niyang mamatay para sa lahat sa pamamagitan ng biyaya ng Dios.
Hebrews 2:9 ASND
Ibinigay niya ang buhay niya bilang pantubos sa lahat ng tao.
1 Timothy 2:6 ASND
Siya ang ibinigay na handog para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan, at hindi lang ng mga kasalanan natin kundi pati na rin ng kasalanan ng buong mundo.
1 jOHN 2:2 ASND
Ngunit kailangang itong tanggapin ng nais maligtas
Nang dahil sa namatay ang Panginoong Jesus para sa lahat, nangangahulugan ba nito na ligtas na automatic ang lahat ng tao? Hindi po. Ang benefits ng kamatayan ng ating Panginoong Jesus ay kailangan tanggaping personal ng taong nais maligtas.
Tulad ng sistema sa sanctuary, ang handog na hayop ay kailangang dalhin sa Outer Court ng sanctuary ng taong nais humingi ng kapatawaran sa kanyang kasalanan. Ilalagay niya ang kanyang kamay sa ulo ng handog at sasambitin ang mga kasalanang kanyang nagawa.
Katumbas ito ng pagkilala sa Tupang Handog na walang iba kundi ang ating Panginoong Jesus bilang tanging Tagapagligtas.

Pagtingin at pagkilala sa Tansong Ahas
Sa Numbers 21:8-9 ay mababasa ang karanasan ng mga Israelita sa kanilang paglalakbay patungo sa Canaan na kung saan marami ang namatay dahil sa kagat ng ahas. Upang maligtas ay sinabihan ng Dios si Moises na gumawa ng tansong ahas, at lahat ng titingin doon ay maliligtas sa kamatayan dala ng kamandag ng ahas.
Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Gumawa ka ng tansong ahas at ilagay ito sa dulo ng isang tukod. Ang sinumang nakagat ng ahas na titingin sa tansong ahas na ito ay hindi mamamatay.” Kaya gumawa si Moises ng tansong ahas at inilagay niya ito sa dulo ng isang tukod. At ang mga nakagat ng ahas na tumingin sa tansong ahas ay hindi nga namatay.
Numbers 21:8-9 ASND
Ang pagtaas ng ahas ay nagrerepresenta ng kaligtasang handog ng Dios para sa lahat. Ngunit ang taong nais maligtas ay kailangan tumingin sa ahas na tanso, na siya namang nirerepresentahan ng ating Panginoong Jesus.

Mismong ang ating Panginoong Jesus ang gumamit ng karanasang ito ng mga Israelita upang ipaliwanag ang kahalagahan ng pagtingin at pagtanggap sa Kanya bilang Tagapagligtas upang matamo ang kaligtasan.
Sinabi pa ni Jesus, “Kung paanong itinaas ni Moises ang ahas na tanso sa ilang ay ganoon din naman, ako na Anak ng Tao ay dapat ding itaas, upang ang sinumang sumasampalataya sa akin ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.
John 3:15 ASND
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
John 3:16 ABTAG2001
Ang kamatayan ng ating Panginoong Jesus ang siyang nag-satisfy sa requirements ng kautusan para sa mga lumabag, bagaman hindi Siya nagkasala.
Sa puntong ito ay makikita natin na napakahalaga sa Dios ng kautusan, na Siya mismo ay nagpasaklaw dito. Kabaligtaran ito ng mga naririnig natin ngayon sa katuruang na “lipas na ang kautusan ng Dios”.
Ang pinakamahalagang tanong ng isang tao ay kung paano siya maliligtas. Ang sagot ng Biblia ay “Manampalataya ka sa Panginoong Hesus, at maliligtas ka” (Gawa 16:31). Ginawa na ng Dios ang lahat para sa ating kaligtasan, ang dapat na lamang nating gawin ay tanggapin ito sa pamamagitan ng pagsampalataya.
Dahil sa biyaya ng Dios, naligtas kayo nang sumampalataya kayo kay Cristo. Kaloob ito ng Dios, at hindi galing sa inyo.
Ephesians 2:8-9 ASND
Ang kamatayan ni Jesus ay biyayang handog ng Dios para sa lahat. Ngunit hindi ibig sabihin nito na ligtas na ang lahat ng tao. Dapat ay tanggapin at kilalanin ito ng taong nais maligtas kasama na ng paghingi ng kapatawaran sa kanyang mga kasalanan.
Sinunod ni Jesus ang sistema ng sanctuary
Muli ay nakita natin kung paano sinusunod ng Dios ang sistema ng sanctuary sa pagliligtas sa tao. Ang sistemang ito ang siyang pattern na ibinigay Niya kay Moises upang maunawaan natin ang Kanyang kaligtasan, dahil dito ay nailalayo tayo sa mga maling aral.
Una ay namuhay Siya sa encampment ng walang dungis ng kasalanan. Dahil dito ay nararapat Siyang maging Handog at Punong Saserdote sa bagong tipanan.
Susunod na section sa sanctuary ay ang Outer Court kung saan naroon ang Altar of Sacrifice at Laver. Napag-aralan natin sa article na ito na tinupad ni Jesus ang pagiging Handog sa Altar of Sacrifice. Susunod na pag-aaralan natin ay ang pagtupad ni Jesus sa seremonya ng Laver.
Purihin ang Dios dahil sa pagmamahal Niya sa atin. Ginamit Niya ang sistema ng sanctuary upang hindi tayo malayo sa pag-unawa ng kaligtasang biyaya Niya sa atin.
3 thoughts on “Altar of Sacrifice: Ang kamatayan ni Jesus ay para sa lahat, ngunit kailangan itong tanggapin ng personal”